^

PSN Palaro

Reyes muling dinaig ng Taiwanese

-
Muling naging bangungot kay Efren Reyes si Hsia Hui Kai nang muling tinalo ng batang Taiwanese ang world-renowed Filipino cue artist sa panimula ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Pool Haven sa Singapore.

Muling inulit ng 28 anyos na si Hsia ang kanyang Busan Asiad na panalo kay Reyes makaraang daigin ito sa iskor na 9-5.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na maagang napatalsik si Reyes sa loob ng makulay niyang career.

Gayunpaman, nanati-ing nakataas ang bandila ng bansa sa dalawang araw na Asian Tour kick-off leg na hatid ng ESPN Star Sports, nang apat na Pinoy ang umabante sa quarterfinal round.

Tinalo ng top seed na si Francisco ‘Django’ Bustamante ang Indian na si Dharmainder Lilly, 9-2 at isinunod ang Singaporean na si Tan Tiong Boon, 9-1; pinadapa naman ng no. 4 na si Warren Kiamco si Au Chi-wai ng Hong Kong 9-3, at kababayang si Dennis Orcullo, 9-1; pinatalsik naman ni no. 7 Antonio ‘Nikoy’ Lining ang Vietnamese na si Luong Chi-Dung, 9-3 at Thai Suratep Phoochalam, 9-6; habang iginupo ni Lee Van Corteza si Korean Jeong Younhwa, 9-6 at Indian Mukesh Rihani, 9-3.

Si Lining, nakakasiguro na ng $3,000 prize money tulad nina Busta-mante, Kiamco at Corteza, ay may tsansang ipaghiganti ang mapait na kabiguan ni Reyes sa kanyang pakikipagtag-po kay Hsia sa Final Eight.

"To me, this particular win meant a lot. I would be happier beating Efren Reyes than winning the championships," ani Hsia, na nanatiling player na may perpektong winning record kontra kay Reyes.

Sinabi naman ni Reyes na hindi niya gaanong nakabisa ang bagong tip ng kanyang cue stick na ginamit dahil sa naging abala ito sa Maynila sa shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Fernando Poe Jr. na pinamagatang "Tumbukin mo, susuntukin ko".

ASIAN TOUR

AU CHI

BALL TOUR

BUSAN ASIAD

DENNIS ORCULLO

DHARMAINDER LILLY

EFREN REYES

FERNANDO POE JR.

HSIA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with