Laure, may ipinakita na

Matapos masilayan ang mga rookies sa unang limang laro ng PBA Samsung All-Filipino Cup, ang mga inaasahang magdeliber ay di gaanong nakapagdeliber ngunit may ilang rookies na nagbigay ng sorpresa.

Tanging si Eddie Laure, ang third pick overall ang nagpakita ng magandang performance dahil malaki ang papel nito sa 77-74 panalo ng Shell kontra sa Phone Pals matapos itong humakot ng 19-puntos, 10-rebounds at ilang blocks sa 30 minutong paglalaro.

Sumunod dito ay si Sunday Salvacion, 11th pick, na nagtala ng 15-puntos at 4 rebounds para sa 84-76 panalo ng Ginebra kontra sa Purefoods sa kanyang 28 minutong paglalaro.

Hindi naman sumapat sa mataas na expectation ang mga first round picks ngunit ito pa lamang ang kanilang unang laro at di ito maaaring basehan ng kanilang tunay na galing.

Nagtala lamang ng dalawang puntos ang second pick na si Romel Adducul sa kanyang debut game sa Ginebra ngunit mayroon itong pitong rebounds, limang assists, dalawang steals sa 33 minutong paglalaro.

Ang top draft pick na si Mike Cortez ay tumapos lamang ng siyam na puntos para sa Alaska ngunit kahit papaano ay nakatulong ang dalawang rebounds, siyam na assists at limang steal sa 36 minutong paglalaro sa 91-82 panalo ng Aces kontra sa Sta. Lucia Realty.

Tumapos din ng siyam na puntos ang isa pang Aces rookie na si Stephen Padilla, nahugot sa ikatlong round, ngunit kung titignan ay siya ang pinakaproduktibo sa lahat ng rookies dahil pitong minuto lamang ito naglaro at mayroon pa itong dalawang rebounds.

Ang iba pang rookies at ang kanilang produksiyon sa unang laro ay sina:

Alaska--Brandon Lee Cablay, fifth pick 10pts., 9rebs., 3assts., 1blk., 20mins.; Talk N Text-Harvey Carey, no. 4 pick 9pts., 10rebs., 2assts., 1stl., 34mins; Jimmy Alapag, 10th 7pts., 5rebs., 3assts., 28mins.; Kahi Villa, second pick 4pts., 12rebs., 3assts., 27mins.; Purefoods-Billy Mamaril, sixth pick, 7pts., 9rebs., 1ast., 1stl., 36mins.; Shell-Ronald Tubid, second round, 11pts., 3rebs., 2assts., 1stl., 14mins.; Red Bull-Enrico Villanueva, 7th pick, 9pts., 6rebs., 20mins.; FedEx-John Ferriols, 12th pick, 13pts., 8rebs., 3stls., 1blk., 26mins.; Coca-Cola-Reynell Hugnatan, 9th pick 4pts., 6rebs., 1asst., 22 mins.; San Miguel-- Marlon Legaspi, 8th pick, 10pts., 3rebs., 24mins. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments