^

PSN Palaro

US-RP match inurong

-
Ang malakas na pagbuhos ng snowstorm sa US East Coast ang nag-puwersa ng pagkaantala ng pagdating ng bisitang US team na lalaro ng serye ng goodwill games kontra sa RP team na nakatakda sa Peb. 22 hanggang Marso 1.

Nakatakda sanang dumating ngayon ang USA team na pangungu-nahan ni Brando Payton, ang 23-anyos na nakakabatang kapatid ni Seattle SuperSonics All-Star guard Gary Payton. Ngunit dahil sa nasabing masamang lagay ng panahon nagsara ang lahat ng major airports kahapon na nagpuwersa sa US team na muling itakda ang kanilang pagdating sa Peb. 20.

Si Payton ay sasamahan ng 6’4 na si Maurice Brown, 6’3 Alvin Stephenon Jr., 6’0 Gary DiGrazia, 6’5 Nathaniel Gore, 6’8 Will Levy at 6’10 Terrence Super.

Ang iba pang kasama sa US Team ay ang mga MBA vetetrans Chris Mendoza, Kalani Fereria, VJ Santos at actor Carlos Morales.

Hindi pa napapangalanan ni RP team coach Aric del Rosario ang final na listahan ng bubuo sa koponan na lalahok sa tatlong major international tournaments ngayong taon--ang Southeast Asian Basketball Association (SEABA), Men’s Championship sa Abril, Asian Basketball Confederation (ABC) Men’s Championship sa September at SEA Games sa Vietnam ngayong Disyembre.

Ang unang dadayuhin ng RP-US Goodwill Exhibition Series ang Pasig Sports Center kung saan nakatakda ang kanilang sagupaan sa alas-5 ng hapon at magkakaroon ng tune-up game sa pagitan ng Welcoat Paints at Montana Jewels sa alas-3 ng hapon.

ALVIN STEPHENON JR.

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

BRANDO PAYTON

CARLOS MORALES

CHRIS MENDOZA

EAST COAST

GARY PAYTON

GOODWILL EXHIBITION SERIES

KALANI FERERIA

MAURICE BROWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with