^

PSN Palaro

Junior Realtors umusad sa semis

-
Nakakuha ng malalaking puntos ang Sta. Lucia Realty-CUSA mula kina Robert Tolentino, Anthony Sonza at Carlos Cecilia sa paggupo sa Coca-Cola National Youth Pool C, 73-67 noong Sabado upang makopo ang ikalawang semifinal slot sa unang Bert Lina Six-Foot-and-Above Junior Cup sa Lyceum gym.

Nagtala sina Tolentino at Sonza ng Central Colleges of the Philippines ng 27 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang Junior Realtors sa kanilang ikatlong panalo sa limang laro.

Sumandal naman ang CUSA Selection sa kanilang mas mataas na tie break record laban sa Junior Tigers upang samahan ang walang talong Talk ‘N Text-National Youth A sa outright semis seats sa Air21 supported 18-under tournament na ito na proyekto ni Bert Lina para sa mga players sa six-feet at pataas.

Ang Junior Phone Pals na naka-sweep ng elimination round para sa kanilang 5-0 record, ay namayani naman laban sa Red Bull-National Pool B na pinangunahan ni Colegio de San Lorenzo stand-out Ryan Arana.

Tumapos si Arana ng 19-puntos ngunit ang double teaming sa kanya ng kalaban ang naging daan sa pag-angat ng Phone Pals sa 51-24 kalamangan sa halftime.

Ang natitirang dalawang slot sa semis ang puntirya ng Coke at Red Bull na nakatakdang sumagupa sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Lyceum gym.

Makakalaban ng Junior Tigers ang wala pang panalong UCAA-Shell sa alas-2:00 ng hapon para sa karapatang labanan ang Junior Realtors habang makakasagupa naman ng Red Bull ang Ginebra-NCRAA sa alas-3:30 sa cross over quarterfinals.

ANG JUNIOR PHONE PALS

ANTHONY SONZA

BERT LINA

BERT LINA SIX-FOOT-AND-ABOVE JUNIOR CUP

CARLOS CECILIA

CENTRAL COLLEGES OF THE PHILIPPINES

COCA-COLA NATIONAL YOUTH POOL C

JUNIOR REALTORS

JUNIOR TIGERS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with