At ang tanging nakaiwas sa kamalasan ay ang No. 1 siklista ng bansa na si Victor Espiritu.
Naka-entra si Victor sa top 10 ng Asian field nang dumating ito na ikaanim sa bilis na 4:14.26, ang tiyempong itinala rin ng Aussie lap winner na si Graeme Brown ng Ceramiche Panaria at 52 iba pang siklista.
Hindi nakatapos ng karera si Warren Davadilla, ang Marlboro Tour champion at stage 1 winner ng FedEx Tour of Calabarzon dahil sa natamo nitong pagkasira ng kanyang gulong may 7 kms na lamang ang layo mula sa finish line.
Bagamat dumating ang tulong para sa pinakamaliit na rider ng 7-man RP team na suportado ng Philippine Sports Commission, huli at hindi na ito nakaabot sa peloton na lumayo na ng husto.
Na-trapped naman sina Enrique Domingo, Villamor Baluyut at Lloyd Reynante (4:14:36) mula sa likod ng isa pa ring sumemplang may 200 metro bago dumating sa final kilometro at dumating na huli ng 10 segundo sa likod ng main field.
May 40 segundos naman ang layo nina Arnel Quirimit at Merculio Ramos sa finish line mula sa mga liders at kanilang inamin na sila ay pagod na sanhi ng pinakama-habang lap sa tour na ito na inabot ng 196 kms mula Kuantan patungo dito sa 70kms north ng Kuala Lumpur.
Gayunman, nananatili ang Philippines sa ikali-mang puwesto bunga ng kanilang nalikom na 69:09.08 sa Asian standings sa likod ng Iran (69:03.07), Telekom All-Stars (69:03.52), Japan (69:04.04) at host Malaysia (69:06.36).
Sa kabila nito, umaasa pa rin si team manager Armando Bautista na makakatapos ng magan-da ang Philippines kung saan sa nakalipas na dalawang taon, sila ang LTDLs best Southeast Asian team.
"The Genting Highlands stage will be our last hope. The boys are never giving up and will give it their all in the penultimate lap," wika ni Bautista sa stage 9--ang tours killer ride na magtatampok sa 1,500-meter na akyatin na kinukunsiderang pinakamahirap sa mundo sa pro cycling.
Nakopo ng Philippines ang LTDL sa pamamagitan ng kanilang third place finish sa Gamuda Eagle Tour noong nakaraang Agosto sa likod ng champion na Iran at runner-up na Japan.