^

PSN Palaro

Ex-president ng World Chess Olympiad hinatulang makulong

-
Dahil sa kabiguang maipakita kung saan napunta ang nasa P12.8 milyon na ginastos sa pagdaraos ng World Chess Olympiad noong Hunyo 6 hanggang Hunyo 25, 1992, isang dating presidente ng Fede-racion Internationale des Echecs ang hinatulan kaha-pon ng Sandiganbayan na mabilanggo ng isang taon at 10 buwan.

Sa ibinabang desisyon ni Associate Justice Ma. Cristina Cortez-Estrada ng Sandiganbayan Fifth Division kahapon, hinatulan si Florencio Campo-manes, presidente ng FIDE, isang samahan ng mga chess player, samantalang pinawalang sala naman ang kapwa nito akusadong si Cecilio Hechanova, chairman naman ng Philippine Sports Commission.

"We have reviewed the entire evidence on record and could not find anything which would positively and conclusively show that accused Hechanova induced accused Campomanes not to liquidate the subject funds after a demand for the same was made by the Commission on Audit, which could have convinced us that indeed, conspiracy was present," wika ni Estrada.

Ipinaliwanag ni Estrada na nabigo ang prose-kusyong patunayang hinimok ni Hechanova si Cam-pomanes na huwag sabihin kung saan napunta ang P12 milyong ginastos sa Olympiad sa kabila ng paghingi dito ng Commission on Audit.

Wala ring naging patunay na parehong nagtra-baho ang dalawa para maipakitang nagkutsabahan sila para hindi sumunod sa utos ng COA.

Sinabi pa ni Estrada na hindi tinugon ni Campo-manes ang sulat ni COA Chairman Pascasio Banaria nang hingin nito ang audit sa P12,876 milyon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ASSOCIATE JUSTICE MA

CECILIO HECHANOVA

CHAIRMAN PASCASIO BANARIA

CRISTINA CORTEZ-ESTRADA

FLORENCIO CAMPO

HECHANOVA

HUNYO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with