^

PSN Palaro

Problema ng Welcoat

FREE THROWS - AC Zaldivar -
HINDI pa rin siguro humuhupa ang saya sa dibdib nina Raymond Yu at Terry Que na may-ari ng Welcoat House Paints na nagkampeon sa katatapos na Philippine Basketball League (PBL) Challenge Cup.

Kasi, kahit na sabihin pang inaasahan ng karamihan na magkakampeon ang House Paintmasters dahil sa lakas ng kanilang line-up ay hindi naman naging madali para sa kanila ang magtagumpay kontra sa Dazz Dishwashing Paste sa best-of-five Finals.

Oo nga at na-sweep nila ang Dazz subalit dalawang beses silang dumaan sa overtime. Dalawang beses silang muntik na matalo. Kung namayani ang Dazz sa Game One at Game Three, baka hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang serye. O baka ngayon ay Dazz ang nagse-celebrate!

Subalit ngayong tapos na ang lahat ay may agam-agam sina Yu at Que. Kasi nga’y nawala na sa kanilang line-up sina Romel Adducul, Eddie Laure at Ronald Tubid na pawang pinapirma ng kontrata ng mga PBA teams na kumuha sa kanila.

Si Adducul ay pumirma ng four-year contract sa Barangay Ginebra samantalang sina Laure at Tubid ay pumirma ng tigatlong taong kontrata sa Shell Velocity.

"Suwerte na rin kami sa pagkakakuha sa mga players na iyan. Kumbaga, tsamba lang na napunta sila sa amin," ani Yu.

Si Tubid ay nakuha ng Welcoat matapos na mag-disband ang Ana Freezers. Kasama niyang lumipat sa Welcoat sina Paul Artadi at Ariel Capus. Sina Adducul at Laure ay itinuturing na "grasya" galing sa langit.

Kasi nga, nang binubuo ang Welcoat ay si Reynel Hugnatan ang gustong kunin ng Welcoat subalit napunta ito sa ICTSI-La Salle.

"Hindi namin akalaing magiging available para sa amin si Laure dahil iniisip namin na sa pagpasok ng LBC-Batangas Blades sa PBL ay doon siya lalaro. Hindi ba’t sa Batangas naglaro si Laure sa MBA?" ani Yu. "Pero hindi pala siya kinuha ng LBC kaya sa amin siya napunta."

Si Adducul ang pinakahuling player na nakuha ng Welcoat at hindi rin inaasahan nina Yu at Que na mapupunta sa kanila ito. Kasi nga, hanggang sa huling sandali ay nasa ibang bansa si Adducul.

"Sa tutoo lang, masuwerte talaga kami dahil sa pumayag sina Laure at Adducul na kumuha lang ng maliit na suweldo sa amin. Yung maximum allowance ng PBL lang ang ibinigay namin sa kanila pero wala silang reklamo. Biruin mong napakaliit nun kumpara sa tinanggap nila sa MBA." ani Yu.

"Kumbaga, gusto lang talaga nina Laure at Adducul na maglaro at mag-champion sa kanilang huling tournament bago umakyat sa PBA. Kaya naman hayun ay nakuha sila bilang No. 2 at No. 3 picks sa Draft. Kaya naman nagpapasalamat kami sa kanila."

Sa pagkawala nina Laure, Adducul at Tubid, sino kaya ang kukunin ng Welcoat na kapalit?

Yun ngayon ang pinoproblema nina Yu at Que.

ADDUCUL

ANA FREEZERS

ARIEL CAPUS

DAZZ

KASI

LAURE

SI ADDUCUL

WELCOAT

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with