^

PSN Palaro

28 events ang sasalihan ng bansa sa Vietnam SEA Games

-
Dalawampu’t walong events mula sa 32 sport na paglalabanan ang lalahukan ng Philippines sa Southeast Asian Games na nakatakda sa Hanoi Vietnam sa Disyembre.

Ngunit posible pang madagdagan ang tsansa ng bansa sa gold medals kung sasalihan ang fin swimming event na kailangan pang desis-yunan ng Philippine Amateur Swimming Association.

May tsansa ang bansa sa 408 gold medals mula sa kabuuang 439 na itataya ng host na Vietnam ngunit kung isasama ang fin swimming ay madadagdagan ng 16-gintong medalya ang tsansa ng RP.

Tatlong sport ang hindi isinama ng Vietnam sa calendar of events na kinabibilangan ng marathon, bowling at golf dahil mahina sa mga naturang sport ang host country.

Gayunpaman, sa pagkakasama ng larong chess sa kauna-unahang pagkakataon, inaasahang palaban sa sport na ito ang RP kung saan isasabak ang mga Grand Masters at International Masters ng bansa.

Pinakamaraming gold ang nakataya sa shooting na may 44 golds kasunod ang athle-tics na may 43 habang ang aquatic events ay may kabuuang 41 golds gayundin sa pencak silat at wrestling.

May 28 ginto naman ang paglalabanan sa wushu, 24 sa gymnastics, 19 sa karatedo at tig-16 mula sa judo at fin swimming.

Dalawampu’t isang sport ang paglalabanan sa Hanoi, 10 sport ang gaganapin sa Ho Chi Min habang ang table tennis ay gaganapin sa Hai-shung, 56 kilometro ang layo sa Hanoi.

Ang mga sport na di sasalihan ng Philippines ay ang handball, shuttle cock at petangui. (Ulat ni Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

DALAWAMPU

DISYEMBRE

GRAND MASTERS

HANOI VIETNAM

HO CHI MIN

INTERNATIONAL MASTERS

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with