^

PSN Palaro

Dokumento ng Fil-Foreign players hihimayin sa Senado

-
Hihimayin ngayon ni Senador Robert Barbers ang mga dokumento ng mga Fil-Foreign players ng Philippine Basketball Association (PBA) upang alamin ang ninuno nito kung mayroon nga talagang dugong Filipino.

Sinabi ni Sen. Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, aalamin ng kanyang komite ang family tree ng mga kinukuwestiyon na Fil-foreign cagers na ito upang mabatid kung mayroon nga silang dugong Filipino.

Inaasahan din ni Barbers na maisusumite ng mga dayuhang manlalarong ito ang mga tirahan ng kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas upang matukoy kung talagang mga Pinoy ito o nagkukunwari lamang.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas, sakaling mapatunayan ng kanyang komite na dinoktor lamang ng mga ito ang kanilang mga dokumento para palabasin na sila ay Filipino ay agarang irerekomenda ng kanyang komite ang pagpapatapon dito palabas ng bansa at ang pagdedeklara sa mga ito na persona non grata.

Aniya, naniniwala siyang mayroong 5-8 na mga Fil-foreign cagers sa PBA ang peke lamang ang pagiging Filipino kung saan ay dinoktor lamang ang mga papeles nito para makapaglaro sa nasabing liga.

"Isang hearing na lamang at ilalabas na ng aking komite ang magiging rekomendasyon sa mga dayuhang manlalarong ito na sinasabing nagtataglay ng mga pekeng papeles para lamang makapaglaro sa PBA," wika pa ni Sen. Barbers.

Iginiit pa ng Senador, sa sandaling matuklasan ng kanyang komite na talagang pineke ang mga dokumento ng mga dayuhang manlalarong ito para palabasin na sila ay Pinoy ay irerekomenda din ng kanyang komite na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pamemeke ng mga papeles ng mga Fil-foreign cagers.

ANIYA

FIL-FOREIGN

HIHIMAYIN

IGINIIT

INAASAHAN

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PINOY

SENADOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with