Sa kasalukuyan, may 103 players ang wala pang trabaho dahil hanggang sa ngayon ay wala pang napipirmahang kontrata.
Kabilang sa mga nasa limbo ang mga beteranong sina Ronnie Magsanoc, Purefoods, Alvin Teng at Eric Reyes ng Alaska, Zaldy Realubit ng FedEx, Noli Locsin at Nelson Asaytono ng Red Bull at Gerard Esplana ng Shell.
May 35 players pa at 67 expirees ang wala pang offers o naghahanap ng malilipatang koponan.
Kung ang iba ay makakalaro sa taong ito, mababang suweldo ang kanilang nakuha bunga ng pagbabawas ng salary cap para sa mga teams ng PBA.
Ang iba pang nakatanggap ng offer ngunit mababa kaysa sa kanilang dating sahod ay sina Chris Bolado, Jayjay Helterbrand, Mike Mustre, Dwight Lago, Dorian Peña, Rob Wainwright, Richard del Rosario, Noynoy Falcasantos, Mike Orquillas, Richard Yee at Boyet Fernandez.
Ang iba naman ay ni-release na ng kanilang teams tulad nina Jay Mendoza, David Friedhof, Biboy Simon, Gabby Cui, Kenny Evans, Hercules Tangkay, Jovy Sese, Jason Misolas, Elmer Lago, Marlon Basco, Marlon Piodo, Boy Valera, Ronaldo Carmona, Ronilo Padilla, Jojo Lim, Art del Rosario, Mark Victoria, Junel Mendiola, Paul Geurrero, Bonel Balingit, Jolly Escobar at Ronald Magtulis.
Sa 40 rookies sa draft, 9 pa lamang ang pumipirma, 29 ang may offer at ang 11 ay wala pang offer. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)