^

PSN Palaro

P6-M kay Duat

-
Dahil sa mahusay na ipinakita ni Rob Duat binigyan ito ng panibagong dalawang taong kontrata ng Alaska na nagkakahalaga ng P6.624 milyon.

Si Duat ay tatanggap ng P252,000 sa taong ito at sa susunod na taon ay sasahod ito ng P300,000 kada buwan.

Samantala, binili naman ng Shell ang natitirang isang taon sa kontrata ni Gerry Esplana.

Bunga nito, si Esplana ay isa nang unrestricted free agent at maaari na itong mag-try-out sa ibang koponan.

Ayon sa isang source, nais ng Shell na makakuha pa ng isang first round pick bukod sa kanilang third pick kaya’t inaasahang gagawa ng trade ang Turbo Chargers na bukas sa anumang offer bago magsimula ang draft ngayon.

Bukod pa sa Shell, nais din ng Coca-Cola Tigers na makakuha rin ng isa pang first round pick bukod sa kanilang eight pick.

Sa iba pang balita, hindi pa rin nagkakasundo hanggang ngayon si coach Tim Cone at ang Alaska.

Ayon sa isang source, nais ng Alaska na papirmahin si Cone ng dalawang taong kontrata ngunit isang taon lamang ang gusto ng Amerikanong coach. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

AMERIKANONG

AYON

BUKOD

BUNGA

CARMELA V

COCA-COLA TIGERS

GERRY ESPLANA

ROB DUAT

SI DUAT

TIM CONE

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with