^

PSN Palaro

3 umaasam maging PHILTA

-
Tatlong aspirante sa pangunguna ng incumbent president na si Salvador ‘Buddy’ Andrada ang siyang maglalaban-laban para sa pagka-pangulo ng Philippine Tennis Association sa Enero 4 ng susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Philta secretary general Atty. Johnny Marfil na ayon sa kanya, bukod kay Andrada na tatakbo sa nasabing posisyon, ang iba pang dalawa ay sina Arturo Ilagan Jr., at Giovanni Mamawal.

Ayon pa kay Marfil, boboto ang 18 botante ng limang miyembro ng Philta National Executive Committee (NEC) at 13 regional vice presidents sa Manila Midtown Hotel simula sa alas-10 ng umaga. Ang mananalo sa halalang ito ang magsislbi ng apat na taong termino.

Bukod kay Andrada at Marfil, ang iba pang miyembro ng NEC ay sina excutive vice president Manuel Misa, treasurer Rodolfo Pineda at auditor Romeo Magat.

Ang 13 RVPs ay sina Col. Demetrio Andrada ng Cordillera Autonomous Region, Ferdinand Medina (Region 1), Billy Tanedo (Region III), Luis Espiritu (Region IV), Alfredo Magdangal Jr. (Region V), Rex Jalandoni (Region VI-A), Alfredo Marte (Region VI-B), Alex Ngo (Region VII), German Palabyab (Region VIII), Juanito Cansino (Region XI), Reynaldo Bagaforo (Region XII), Julito Villanueva (Manila-North) at Luis Antonio Mendoza (Manila South).

ALEX NGO

ALFREDO MAGDANGAL JR.

ALFREDO MARTE

ANDRADA

ARTURO ILAGAN JR.

BILLY TANEDO

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

DEMETRIO ANDRADA

FERDINAND MEDINA

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with