Arcilla, Navarro umiskor ng panalo

Umiskor ng magkahiwalay na panalo sina Russell Arcilla Jr. at Carlo Navarro matapos umusad sa ikalawang round sa boys’ 16-under division ng 5th Armando Manzano Memorial Cup tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Si Russell, ang pinakabatang kapatid ng national player na si Johnny, ay nanalo kay Omar Estoque, 6-1, 6-2 upang umusad laban kay James Murell.

Naghabol naman si Navarro laban kay Leyan Moncera, 6-0, 2-6, 6-2 upang ipuwersa ang second round meeting kay Raymond Villarete.

Umusad din sina sixth seed William Murell na nanalo kay Raymund Diaz, 6-2, 6-3 at John Inri Grafe na namayani naman kay Ronnell Enilo, 6-1, 6-0.

Sa boy’s 14-under class, nata-kasan ni Bryan Amoranto ang mahigpit na hamon ni Rodell Navarro, 6-4, 3-6, 7-6 (3), nahirapan naman si Francis Ryan Onate bago nanalo kay Vincent Atienza, 5-7, 7-5, 6-3, at Mark Balce na namayani naman kay Angelo Patrimonio, 6-1, 6-2.

Show comments