^

PSN Palaro

Alaska hangad makalapit sa titulo

-
Tila bumigat ngayon ang misyong para sa Coca-Cola Tigers.

Ang lahat ng bagay ay pumapabor sa Alaska Aces sa kanilang best-of-five championship showdown para sa titulo ng Selecta-PBA All Filipino Cup.

Napabilib ng Tigers ang lahat nang magawa nilang tanggalan ng korona ang San Miguel Beer sa semifinals ngunit ang pag-agaw ng titulo ay tila napakahirap nang misyon.

Hindi lamang si Jeffrey Cariaso ang doubtful starter ngayon dahil na-dagdag na sa listahan si Johnny Abarrientos na nadisgrasya sa kanilang nakaraang laro.

Dahil nasa sideline lamang ang injured na si Cariaso, sinikap ni Abar-rientos na punan ang kanyang nabakanteng puwesto sa paghakot ng 20 puntos sa unang dalawang quarters pa lamang.

Ngunit isang siko ang tumama sa kanyang pisngi na dahilan ng pamamaga ng kanyang mukha ang pumigil sa kanyang mainit na laro at di na nakabalik pa sa aksiyon.

Ito ay nakatulong sa 70-67 panalo ng Aces sa Game-One na nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa pinaigsing finals series dahil sa kakulangan ng panahon.

Bunga ng panalong ito, mataas ang morale ng Alaska papasok sa Game Two na gaganapin ngayong alas-6:15 ng gabi sa Araneta Coliseum at dahil dito ay delikado ang Tigers.

Sa likod ng paralisadong line-up ng Coca-Cola, nahirapan ang Alaska na kumawala na siyang dahilan kung bakit di kuntento si Alaska coach Tim Cone sa kanilang nakaraang panalo.

"Obviously, I’m not pleased with the way we played. Coca-Cola has been dropping like flies, and we aren’t able to put them away," ani Cone. "Give credit to (coach) Chot (Reyes). He has a knack for making other teams look bad. He has done a good job of disrupting you from what you want to do," ani Cone.

Dahil sa pagkawala nina Abarrientos at Cariaso, malaking responsibilidad ang nakaatang kina Will Antonio, Ato Morano, Rudy Hatfield, Rafi Reavis, Leo Avenido at Fredie Abuda.

Dahil liyamado na sa tao ang Alaska, malaki na ang kanilang bentahe at ito ang inaasahang sasamantalahin nina E.J. Feihl, Don Carlos Allado, Ali Peek kasama sina Kenneth Duremdes, John Arigo, Rob Duat at Rodney Santos.

Si Cariaso ay nabababad sa bench dahil sa kanyang groin injury ha-bang may fracture naman si Abarrientos sa kanyang tinamaang pisngi.

Samantala, ihahayag ngayon ang Best Players of the conference kung saan nangungunang kandidato si Cariaso. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ABARRIENTOS

ALASKA ACES

ALI PEEK

ALL FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

ATO MORANO

BEST PLAYERS

CARIASO

DAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with