^

PSN Palaro

Paragua lumapit sa ikawalong posisyon

-
Ginapi ni Grandmaster candidate Mark Callano Paragua si Mikita Ma-yoran ng Belarus (ELO 2324) upang umakyat sa ika-8th hanggang ika-12th na puwesto makaraan ang eight round ng kasalukuyang World Youth Chess Championship 2002 sa Hersonissos, (Heraklio) Crete, Greece.

Bunga nito, nakabawi ang 18-anyos na si Paragua mula sa kanyang malamyang pagkatalo sa mga kamay ni Matthiew Cornette (ELO 2355) ng France sa 7th round at pagandahin ang kanyang record sa 5.5 puntos sa boys’ 18 and under category.

Sa kabila nito, nauwi naman sa draw ang laban ni National Master Roderick Nava na nanguna sa kampanya ng Mapua Institute of Technology (MIT) sa championship title ngayong taong NCAA kontra kay Alexander Utnasunov (ELO 2307) ng Russia upang makalikom ng 4.5 puntos.

Nauna rito, nakipaghatian rin ng puntos si Nava kontra Lucas Lias-covich (ELO 2312) ng Argentina sa 7th round ng boys’ 18 and under class.

Sa iba pang resulta, nabigo naman ang pambato ng Letran na si Vic Neil Villanueva (4.5) laban kay Dmytro Kononenko (ELO 2376) ng Ukraine sa boys’ 14 and under division, yumukod rin si Nel-son ‘Elo’ Mariano III (4.5 puntos) sa kalabang si David Recuero Guerra (ELO 2082) ng Spain, habang nakipaghatian sa puntos si Loren Brigham Laceste kontra kay Mehyr Vladyslav sa boys’ under-10 bracket.

Sa kababaihan, ginapi ni Cheradee Chardine Camacho si Karmen Vourvahaki ng Greece sa girls’ under-10 class para makalikom ng 3 puntos, habang nadiskaril naman si Aices Salvador kay Marionna Chiereki ng Italy sa girls under-12 division.

AICES SALVADOR

ALEXANDER UTNASUNOV

CHERADEE CHARDINE CAMACHO

DAVID RECUERO GUERRA

DMYTRO KONONENKO

ELO

KARMEN VOURVAHAKI

LOREN BRIGHAM LACESTE

LUCAS LIAS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARIONNA CHIEREKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with