^

PSN Palaro

Maricar de Mesa at Don Allado ang magka-on hindi si Danny Seigle

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Hindi tutuo na mag-on sina Maricar de Mesa at ang Fil-Am na si Danny Seigle.

Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa isa’t isa tulad nang natsi-tsismis.

At ito ang maaaring tutoo--si Maricar de Mesa at si Don Allado.

Sila na nga ba ngayon?
* * *
Mga kumpirmadong balita!

Talagang nagkahiwalay na ang isang sikat na Fil-Am at ang kanyang magandang girlfriend. Nag-live in pa silang dalawa pero hindi na rin tumagal ang kanilang relasyon.

Ganyan din ang nangyari sa isa pang Fil-Am na finally eh nakipaghiwalay na rin sa kanyang girlfriend na isang sexy actress. Hanggang ngayon, wala pa ring bagong girlfriend si Fil-Am player.
* * *
Kuwento sa amin ni katotong Rhea Navarro nang nasa Busan Asian Games siya, doon daw niya nakita kung gaano ka-displinado ang mga Fil-Am players.

Labis daw siyang napahanga sa self-discipline ng mga Fil-Am players at nakita niya mismo kung gaano sila ka-dedicated sa kanilang propesyon bilang players.

Kung lahat nga lang daw sana ng mga local PBA players eh ganyan din ka-disiplinado, mas marami ang gagaling na players sa local basketball.

By the way, belated happy birthday sa ‘yo Rhea (November 12 ang kanyang kaarawan) pero ang kanyang selebrasyon ay sa November 30 pa raw.
* * *
Kaybilis talaga ng panahon.

Parang kailan lang na si Mr. Elmer Yanga ng RFM Corporation eh may bitbit na isang batang babae. Yan ay ang anak niyang si Emylou.

Aba ngayon, negosyante na si Emylou at siya na ang franchise owner ng Hotshots Burger diyan sa may Tomas Morato malapit sa ABS-CBN.

Nagkaroon ito ng blessing ceremony last Saturday at siyempre, punong abala si Mr. Yanga. Ang kanilang special guest ay si Alvin Patrimonio.

Congratulations, Mr. Elmer Yanga at sa kanyang anak na si Emylou!

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

BUSAN ASIAN GAMES

DANNY SEIGLE

DON ALLADO

EMYLOU

FIL-AM

HOTSHOTS BURGER

MARICAR

MR. ELMER YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with