^

PSN Palaro

Atilano nagnuna sa Pililla pre-qualifying race

-
Umagaw ng eksena ang mga national rider noong Linggo sa unang pre-qualifying race para sa Tour Pilipinas 2003 nang pangunahan ang initial batch ng mahigit sa 150 aspirante na sumabak sa lansangan ng Pililla, Rizal.

Nagsumite si Lito Atilano na pumedal sa ilalim ng Bicol squad ng 56 minutos at 52.21 segundo sa 40-km individual time trial (ITT) race na ang nasabing performance ang siyang pinakamaganda ng araw na iyon , gayunman ang lahat ay nananatiling nasa agam-agam hangga’t hindi natatapos ang lahat ng tatlong 40-km ITT pre-qualifying races para sa Tour Pilipinas 2003 na presinta ng Air 21 na kukumpletuhin sa susunod na dalawang weekends.

Nakatakda ang ikalawang pre-qualifying race sa Linggo sa Pililla at ang ikatlo ay sa Argao, Cebu para sa Visayas at Mindanao na mga aspirante sa Nov. 23.

Ang mga interesadong siklista mula sa south ay maaaring makipag-ugnayan kay Joe Deresas, executive director ng Professional Cycling Association of the Philippines (PCAP) sa mobile phone number 09174363432 o land line 0324144151 para sa mga detalye.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ARGAO

BICOL

CARMELA OCHOA

CEBU

JOE DERESAS

LINGGO

LITO ATILANO

PILILLA

PROFESSIONAL CYCLING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with