^

PSN Palaro

Pinoy nakipag-draw sa Colombia

-
BLED-Nabigo ang Philippines na tuluyang burahin ang kamalasan sa Columbia nang hatakin ang kanilang laban sa 2-2 draw sa 10th round ng 35th World Chess Olympiad .

Matiyagang idinepensa ng inspiradong lumarong si Grandmaster Eugene Torre ang kanyang queen at maliit na piyesa at nakita ang pinaghirapan nang mawalan ng bishop si Alonso Zapata.

Ngunit nakagawa ng counterplay ang Colombian nang magbanta ito at napuwersa si Torre na makipag-areglaro ng draw sa 68 move ng Torre Attack.

"It was a tough match, but at least we did not lose," ani Torre na nag-day off noong Lunes, ang araw ng kanyang kaarawan.

Agad ding nabawi ng Philippines ang kalamangan nang maglunsad si International Master Nelson Mariano II ng ilang serye ng killer moves na nagpuwersa naman kay Marcelo Uribe na magretiro makaraan ang 35 hanggang 37th sulungan ng Sicilian Defense. Si Uribe ay nakalugmok sa kanyang huling dalawang minuto kumpara kay Mariano na 15 lamang nang mauwi sa draw ang kanilang laban.

Pumayag din si Grandmaster Joey Antonio na lumaro na hawak ang mga itim na piyesa ng Queen’s Gambit sa kauna-unahang pagkaka-taon na makipaghatian ng puntos kontra International Master Dario Alzate sa 39 sulungan.

Nauwi rin sa draw ang sagupaan sa pagitan nina GM Bong Villamayor at Im Raul Henao matapos ang 40-moves ng Catalan Defense.

Ang Colombia ang siyang mahigpit na kalaban ng Philippines sa nakaraang huling 12-taon kung saan ni minsan ay hindi nila nagawang manalo kung saan sa mga krusiyal na situwasyon nila ito nakakasagupa.

Ang pagpigil ng Colombia sa Filipinos ang siyang nagpreserba sa kampanya ng bansa na makalundag sa top 20 nang mauwi sa drew ang kanilang laban noong 1990. Dalawang taon na ang nakaraan, tinalo naman ni Zapata si Antonio.

Bunga nito, ang draw ay nagpreserba sa mini rally ng Philippines na nagsimula noong round 8. Nakikisosyo ang Filipinos mula sa 32nd hanggang 38th puwesto at kanilang makakaharap ang Italy sa Martes.

ALONSO ZAPATA

ANG COLOMBIA

BONG VILLAMAYOR

CATALAN DEFENSE

GRANDMASTER EUGENE TORRE

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

IM RAUL HENAO

INTERNATIONAL MASTER DARIO ALZATE

INTERNATIONAL MASTER NELSON MARIANO

MARCELO URIBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with