Tinaguriang Rainbow Friendship Run, layunin ng nasabing event na maitatag ang pagkakaisa ng mga civilian at Military Sectors. Layunin rin nito na makasuporta sa kampanya ng gobyerno para sa clean and green environment. Kasabay ng 10K run ang 3K at 5K fun runs para sa mga hindi gaanong seryosong runners.
Nakatakda sa alas-6 ng umaga sa Nov. 17 mula sa Bonifacio Global City, ang karera ay tutungo sa Fort Bonifacio hanggang sa Libingan ng Bayani at daraan sa 26th St. ng Bonifacio Global City.
Ang registration fee ay P100 kabilang na ang libreng almusal. Ang kikitain sa karerang ito ay mapupunta sa rehabilitasyon ng Lamesa Dam water shed. At sa bawat kalahok, kanilang itatanim ang mga dalang puno sa Lamesa Dam. Ginaganap na ang patalaan sa Vazques Madrigal Plaza Bldg., no. 51 Annapolis St. sa Greenhills, San Juan at magwawakas sa Nov. 12.