Alaska nalusutan ang Shell
October 24, 2002 | 12:00am
Pumabor ang ihip ng hangin sa Alaska Aces upang hablutin ang 69-67 panalo kontra sa Shell Velocity kagabi sa Selecta-PBA All Filipino Cup sa PhilSports Arena.
Nasa bingit pa ng kabiguan ang Aces sa huling maiinit na segundo ng labanan ngunit tuluyang inangkin ang tagumpay nang magmintis ang pampanalong triple attempt ni Chris Jackson sa huling posesyon ng Shell.
Malapit na sa panalo ang Aces nang kanilang kunin ang apat na puntos na kalamangan matapos ipasok ni Rob Duat ang kanyang dalawang free-trows mula sa foul ni Jackson para sa 69-65 kala-mangan,46 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Ngunit umiskor si Jackson ng basket upang ilapit ang iskor sa 67-69, 33-segundo pa ang oras sa laro at nagkaroon ng pagkakataong agawin ang tagumpay nang kanilang mabawi ang posesyon.
Bagamat nakawala kay E.J. Feihl ang bola ay mabilis naman niya itong naisalba ngunit nagmintis naman ito sa kanyang short jumper sa huling 10-segundo ng labanan na nagbigay ng pagkakataon sa Shell na baligtarin ang resulta ng labanan.
Nabigyan ng opening si Jackson para sa isang tres ngunit kumalog naman ang kanyang attempt na siyang nagkaloob sa Aces ng panalo.
Nagpasiklab sa larong ito si John Arigo na tumapos ng 21-puntos bukod pa sa kanyang limang rebounds at dalawang assists.
Sa pagbabalik ni Ali Peek sa Alaska mula sa national team kung saan ito ay reserve player, humakot ito ng 12-puntos bukod pa sa 12-rebounds at dalawang assists.
Tumapos naman sina Duat at Feihl ng 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod para sa buwena-manong panalo ng Alaska sa season-ending conference na ito.
Bunga nito, kasama ng Alaska sa win-column ang mga opening day winners na defending champion San Miguel Beer at ang kanilang sister team na Purefoods TJ Hotdogs.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Batang Red Bull at Coca-Cola Tigers. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am