^

PSN Palaro

Montana pasok sa semis

-
CEBU City – Naging matatag ang Montana Pawnshop sa huling minuto ng labanan upang hatakin ang 59-58 panalo kontra sa Regent-Shark kahapon para makuha ang semifinal berth sa kasalukuyang PBL-CDF Dual Meet II sa University of San Carlos Gym dito.

Tumapos si Sunday Salvacion ng 18-puntos kabilang ang apat na triples habang naghatid naman ng mahahalagang puntos sina Jon Dan Salvador at Gary David na nagbalik sa Jewelers sa pamumuno taglay ang 4-1 card.

Makukuha ng Montana ang no. 1 spot sa crossover semis kung tatalunin nila ang Blu All-Purpose ngayon.

Bumagsak ang Cheeseballs sa ikalawang puwesto makaraang tapusin ang kanilang kampanya sa eliminations taglay ang 4-2 record.

"One more win and we’re going to get the top spot into the semis. But judging on the strength of the teams here, being no. 1 is not much of an advantage againts the no. 4 team. So we have to be more cautious, and give more than 100% againts Blu, " ani Montana head coach Ronnie Dojillo.

Naging mahigpit ang labanan sa endgame nang umiskor ng split free-throw si Mark Abadia mula sa foul ni David upang ibigay sa Regent-Shark ang 58-55 kalamangan, 1:01 na lamang ang natitirang oras sa laro.

Ngunit umiskor ng undergoal stab si Salvador habang naka-steal naman si David mula kay Warren Ybanez na kanyang idineretso sa basket upang kunin ang trangko sa 59-58, 26 segundo na lamang.

Nakuha ng Montana ang posesyon matapos ang mag-kasunod na mintis ni Nelbert Omolon at Rysal Castro ngunit muling nakakuha ng tsansa ang Regent-Shark na agawin ang panalo nang pumaltos ang dalawang charities ni David mula sa foul ni Castro, 8-segundo na lamang ang natitira.

Gayunpaman, kinapos ang buzzer-beating attempt ni Ybanez na tuluyang nagkaloob sa Montana ng tagumpay.

vuukle comment

BLU ALL-PURPOSE

DUAL MEET

GARY DAVID

JON DAN SALVADOR

MARK ABADIA

MONTANA PAWNSHOP

NELBERT OMOLON

REGENT-SHARK

RONNIE DOJILLO

RYSAL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with