^

PSN Palaro

Llavanes nangunguna pa rin

-
Napanatili ng sixth seed National Master Ronald Llavanes ang kanyang kapit sa solong liderato nang kanyang dispatsahin ang kapwa master at ranked No. 2 na si Mirabeau Maga sa 27 moves ng Pirc noong Huwebes ng gabi sa penultimate round ng Codiñera Memorial Chess Championships open section na ginaganap sa 3rd Flr., ng J & F Divino Bldg., na matatagpuan sa #967 Aurora Blvd., malapit sa Anonas St. sa Quezon City.

Tangan na ngayon ni Llavanes ang malinis na limang puntos matapos ang limang sunod na panalo kung saan nangangailangan na lamang siya ng draw upang maisubi ang korona ng 6-round Swiss annual event na ito.

Nakadikit sa kanya na may tig-apat na puntos sina National Masters Robert Suelo Jr., Rolly Martinez at Dante Zuñiga.

Tinalo ni Suelo ang kapwa master na si Joseph Sanchez sa 38 moves ng Sicilian Variation; nanaig naman si Martinez sa kalabang veteran campaigner na si Edmundo Gatus, habang sinibak ni Zuñiga si Verth Alora sa 30 sulungan ng King’s Indian defense.

ANONAS ST.

AURORA BLVD

DANTE ZU

EDMUNDO GATUS

F DIVINO BLDG

JOSEPH SANCHEZ

MEMORIAL CHESS CHAMPIONSHIPS

MIRABEAU MAGA

NATIONAL MASTER RONALD LLAVANES

NATIONAL MASTERS ROBERT SUELO JR.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with