Tumawag ang kilalang Japanese boxing manager, matchmaker at journalist na si Joe Koizumi kay Salud upang kumpirmahin ang nasabing laban na nakansela dahil sa pagkakaroon ng injury sa kamay ni Tokuyama sa kanyang huling title defense kontra Mexicos Erik Lopez noong nakaraang Agosto 26 kung saan nanaig si Tokuyama sa sixth round sa pamamagitan ng TKO.
Kasalukuyang nagsasagawa si Peñalosa ng light workout regimen, subalit makukuha din niya ang tempo at intensity ng kanyang prepa-rasyon para kay Tokuyama sa kanyang pag-alis patungong Los Angeles sa Nov. 3 upang mag-train sa mga mata ng American ace Freddie Roach sa kanyang Wild Card Gym malapit sa Hollywood at siya ay magbabalik sa nasabing araw makaraang tapusin ang kanyang commitment upang mag-train naman kay Johnny Tapia para sa kanyang laban kontra Marco Antonio Barrera sa kaagahan ng buwan ng Nobyembre.
Galing si Peñalosa sa impresibong seventh round TKO panalo laban kay Seiji Tanaka upang pagandahin ang kanyang ring record na 46-4-2 na may 31 KOs, habang magsasagawa naman si Tokuyama ng kanyang ikaanim na depensa sa titulo na kanyang naagaw mula kay South Korean In Joo Choo noong Agosto 27, 2000.
Napanatili ni Tokuyama ang kanyang titulo noong nakaraang taon sa kanyang kontrobersiyal na decision kontra kay Peñalosa.