^

PSN Palaro

RP-5 lusot sa Japan

-
BUSAN, South Korea – Pigil hininga, nakapikit ang mga mata at taimtim na nagdarasal ang bawat Filipinong nanonood sa loob ng Geumjeong Stadium sa laban ng All-Star Philippine basketball team kontra sa Japan hanggang sa huling segundo at nakahinga na lamang ng maluwag makaraang tumunog ang final buzzer.

Ang resulta?

Magiting na nalusutan ng Nationals ang mga Hapones sa pamamagitan ng nagpapakabog dibdib na 79-74 tagumpay.

Kumana ng isang basket si Jeffrey Cariaso at hinugutan ng foul si Takehiko Orimo, may 27-segundo na lang ang nasa orasan upang isiguro ang panalo.

Bukod kay Cariaso naging bayani ng mainit na bakbakan sina Olsen Racela at Dondon Hontiveros na nagbaba ng 8-0 salvo upang itabla ang iskor sa 69-all, mula sa 8-puntos na kalamangan ng mga Hapones, 69-61 sa kalagitnaan ng huling canto.

Ngunit kumakabog pa rin ang dibdib ni Uichico at ng buong coaching staff nang dalawang beses pang nagtabla ang iskor, una sa 71-all at ikalawa sa 74, ilang tikada na lamang ang nalalabi sa laban.

Makaraan ang 11-6 pangunguna ng mga Pinoy sa unang quarter, binanatan na ni Orimo, Most Valuable Player ng Japan Basketball League, ang pagkamada sa basketball nang magpakawala ito ng sunud-sunod na basket na hinalinhan ni Takuya Kita upang kunin ang trangko sa 34-28.

Pumalag ang mga Pinoy at hindi pinayagan ni Taulava na basta-basta na lamang sila paiwan, ngunit higit na maliksi at nag-init ang mga kamay ng Hapones para isara ang halftime sa 50-34.

Gumamit ng mala-moog na depensa ang mga bataan ni National coach Jong Uichico sa pagpasok ng second half hanggang sa ma-foul trouble si Orimo sa ikatlong quarter na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pinoy na maghabol.

Unti-unting tinibag ng Nationals ang pader na nakaharang sa ikaapat na quarter at nakipagpalitan ng basket hanggang sa makalapit sa 61-64 nang manalasa ng husto sina Racela, Cariaso at Taulava upang itabla ang iskor sa 69-all, mahigit isang minuto na lamang ang na-titira sa oras ng labanan.

Pinamunuan ng nagpakalbong si Taulava ang produksiyon ng Pinoy sa kanyang itinalang 27-puntos bukod pa sa 12 rebounds.

Susunod na makakalaban ng RP quintet ang Chinese-Taipei sa Biyer-nes at huli ang China sa Oktubre 8 para makasulong sa finals. Inaasahang mananalo ang Nationals kontra Taiwanese at kahit matalo sa China ay makakapasok sa cross-over semis. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ALL-STAR PHILIPPINE

CARIASO

DINA MARIE VILLENA

DONDON HONTIVEROS

GEUMJEONG STADIUM

HAPONES

JAPAN BASKETBALL LEAGUE

PINOY

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with