^

PSN Palaro

11 title isinubi ng San Sebastian

-
Ipinakita ng defending champion San Sebastian ang pormang nagputong sa kanila ng kampeonato sa nakaraang season nang iposte ang 86-69 panalo kontra sa College of St. Benilde upang mapanatiling hawak ang kanilang korona sa 78th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ginawang tuntungan ng Stags ang inilunsad na 20-0 bomba sa huling canto upang agawin ang kalamangan sa 81-61 na hindi na nila pinakawalan pa.

Ang panalo ang naghatid sa Baste ng pakikipagtabla sa San Beda College sa isinubing 11 korona sa likod ng dating mga miyembro na Ateneo de Manila at Letran College na mayroong naikamadang tig-14 korona.

Nagsilbing pinakamasayang panalo ito ng Stags dahil nagawa nilang maipaghiganti ang kanilang natamong pagkatalo mula sa Blazers dalawang taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng pag-sweep sa kanilang best-of-three championship series sa 2-0.

Bahagyang nanakot ang Blazers na mahatak ang winner-take-all match nang pangunahan nina Jay Sagad at Sunday Salvacion, nahirang na MVP ng liga ang umaatikabong atake sa third canto upang ibaba ang kalamangan sa isang puntos na lamang, 53-54, 3:41 ang nalalabi sa laro.

Humakot si Pep Moore ng 21 puntos, bukod pa ang anim na rebounds, dalawang assists at steal upang banderahan ang Recto-based cagers sa pagkana ng titulo.

Samantala, nabawi ng San Beda Red Cubs ang kanilang korona sa junior division matapos na tanggalan ng titulo ang Letran Squires sa pamamagitan ng 95-81 tagumpay. (Ulat ni Maribeth Repizo)

COLLEGE OF ST. BENILDE

JAY SAGAD

LETRAN COLLEGE

LETRAN SQUIRES

MARIBETH REPIZO

PEP MOORE

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

SAN BEDA RED CUBS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with