Bata, Bustamante tuloy ang pananalasa
September 20, 2002 | 12:00am
Ipinagpatuloy nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante ang kani-kanilang pananalasa sa Cafe Puro Challenge of the Masters at iseguro ang kani-kanilang sarili sa nakalaang dalawang top spots bukas sa semifinals kontra sa wala pang panalong tambalan nina 2001 World Pool Champion Mika Immonen at US Open Champion Corey Deuel.
Dinispatsa ni Reyes si Deuel ng wala pang isang oras nang kanyang talunin ang batang Amerikano, 5-0, 5-3 sa best-of-three sets na ang bawat set ay isang race-to-five racks.
Nagwagi rin si Bustamante, winner ng limang major tournaments ngayong taon at runner-up kay Earl Strickland sa World Pool Championships sa Cardiff sa straight sets kontra Immonen, 5-4, 5-3.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban sina Reyes at Bustamante upang madetermina kung sino sa kanila ang ookupa ng No. 1 at No.2 position, habang pinaglalabanan naman nina Deuel at Immonen ang No. 3 at No. 4 slot.
Base sa format ang No. 1 ay makakaharap ng No. 4 at ang No. 2 ay sasagupa sa No. 3 sa semifinals na ang mananalo ay maghaharap naman para sa top prize na $10,000 sa best-of-five sets showdown ngayon. Ang matatalo ay tatanggap ng $7,500 sa apat na araw na tournament.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended