'Revenge of the Masters' sa Subic Bay
September 13, 2002 | 12:00am
Muli na namang mabibigyan ng pagkakataon ang mga panatiko ng billiards na masaksihan ang apat na greatest player sa daigdig sa apat na araw na tunggalian na tinaguriang Revenge of the Masters ang tournament na idaraos ng Viva Vintage Sports at Puyat Sports kung saan ang Subic Bay Metropolitan Authority sa ilalim ni Chairman Felicito C. Payumo ang siyang magiging host.
Ang nasabing tournament ay gaganapin sa Set-yembre 17-20 sa lobby ng Yacht Club sa Subic.
Sasabak si 2001 World Pool Champion Mika Immonen upang ipaghiganti ang kanyang sudden-death, one rack playoff na kabiguan kontra Efren Bata Reyes sa finals ng winner-take-all $50,000 Challenge of Champions sa Connecticut kamakailan, habang tangka rin ni US Open Champion Corey Deuel na maipag-higanti ang kanyang pagkatalo sa mga kamay ni Francisco Bustamante sa Manila World 9-Ball Challenge noong nakaraang Mayo.
Kilala si Reyes sa buong mundo bilang The Magician sa dahilang ang kanyang mga kagila-gilalas na shot at si Django sa kanyang mahusay na break ang magdedetermina sa dalawa bilang all-time greats at walang balak ang dalawa na matalo sa harapan ng mga hometown fans.
Sa ilalim ng format ang apat na masters ay lalaro ng single round robin na ang bawat match sa best-of-three sets affair ay isang race-to-five racks. Sa pagtatapos ng round robin ang No. 1 player sa standings ang siyang sasagupa sa No. 3 at ang No. 2 ang haharap naman sa No. 4 sa semifinals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended