^

PSN Palaro

Ateneo di nakalusot sa UE

-
Hindi hinayaan ng University of the East ang late rally ng Ateneo De Manila University upang hugutin ang 97-96 panalo sa kanilang overtime game kagabi sa UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang ikapitong panalo ng Warriors sa siyam na pakikipaglaban na nagpahigpit ng kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa likod ng nangungunang defending champion De La Salle University at naglapit sa kanila sa Final Four.

Sumandal ang UE Warriors sa kabayanihan ni Ronald Tubid na umis-kor ng krusiyal na puntos sa huling maiinit na minuto ng labanan upang ipalasap sa Ateneo Blue Eagles ang kanilang ikalimang kabiguan sa 9 na laro.

Buhat sa 82-81 kalamangan ng Warriors, naitabla ng Ateneo ang iskor sa 82-all mula sa split shot ni Enrico Villanueva at tuluyang humantong sa overtime ang laro nang magmintis si LA Tenorio sa kanyang jumper.

Sa unang laro, nakipagkapit-bisig si Arwind Santos kay RJ Rizada sa ikaapat na quarter upang igupo ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 77-61.

Umiskor si Santos, ang player na ipinoprotesta ng Maroons ngunit tatlong beses naman kinumpirma ng UAAP Board ang eligibility, ng 21 puntos at 13 rebounds habang nagtapos naman si Rizada ng may 16 puntos. Ito ang nag-angat sa FEU Tamaraws sa 4-5 record habang bumagsak naman ang State U sa 3-6 karta.

ARWIND SANTOS

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DE LA SALLE UNIVERSITY

ENRICO VILLANUEVA

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

RIZADA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with