Hartman's Seigle silat ng M. Lhuillier

Tinapos ng Cebu’s M. Lhuillier cagers ang anim na sunod na panalo ng Hartman Seigle nang kanila itong pabagsakin sa iskor na 98-82 panalo noong Linggo sa 4th Danny Espiritu Invitational Open Cup basketball tournament sa Lyceum gym.

Sa iba pang laban, tinalo naman ng Homer Mercado Builders ang Kuarta Padala, 76-72 para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Ang Lhuillier at Kuarta Padala ay magkatabla na ngayon sa kanilang magkawangis na 2-2 records sa tourney na ito na sponsored ng Spring Margarine, Morning Star Tour and Travels, Red Bull, SMB, Talk ‘N Text, Alaska Milk, FedEx, Coca-Cola, Sta. Lucia Realty, Purefoods, Ginebra San Miguel at Shell na suportado ng Milo, Adidas at Cebu Pacific.

Show comments