^

PSN Palaro

Blazers kumapit

-
Nagpamalas ng mahusay na performance si Sunday Salvacion upang ihatid ang Blazers sa kanilang 85-78 panalo kontra sa San Beda College sa pagbabalik ng aksiyon sa NCAA men’s basketball sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Tumapos si Salvacion ng 25-puntos upang pangunahan ang kanyang koponan sa pagtala ng ikasiyam na panalo.

Ang panalo ay lalo pang nagpahigpit sa kampanya ng Taft-based dribblers na mapatatag ang kanilang kapit sa solong liderato.

Agresibong pumasok ang Blazers sa playing area kung saan maaga nilang kinuha ang trangko upang ipakita ang matindi nilang ngitngit sanhi ng kaguluhang naganap sa kanilang huling laro kontra Mapua Cardinals noong Lunes.

Samantala, bagamat nakaligtas sa anumang suspension na ipapataw ng NCAA Management Committee (Mancom) ang St. Benilde at Mapua, nagbabala naman ang committee na papatawan nila ang dalawang koponan upang disiplinahin ang kani-kanilang mga guro matapos ang naganap na kaguluhan na ikinaresulta ng forfeiture na panalo sa Blazers noong Lunes.

Makaraan ang marathon meeting na inabot ng anim na oras noong Martes ng gabi, napatunayan ng Mancom na nagkasala sina coach Horacio Lim ng Mapua at Dong Vergeire ng St. Benilde ng misconduct at kanila itong parurusahan.

Si Lim ang nagpasimula ng pagwo-walkout ng Mapua, habang ina-gaw naman ni Vergeire ang mikropono sa officials’ table habang nagkakagulo bago nagbitaw ng mga masasamang pahayag.

Isa sa naapektuhan ng husto sa gulong ito ay si Jeff Martin ng Mapua na hindi nakakalaro dahil sa kanyang injury sa tuhod at sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng committee kung tuluyan na siya ay iba-banned sa liga.

DONG VERGEIRE

HORACIO LIM

JEFF MARTIN

MANAGEMENT COMMITTEE

MANCOM

MAPUA

MAPUA CARDINALS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with