Sosyo liderato asam ng Assumption-Pampanga

Sisikapin ng University of the Assumption-Pampanga na makisosyo sa liderato sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa St. Scholastica’s College sa pagpapatuloy ngayon ng 33rd WNCAA-Adidas basketball tournament sa SSC gym.

Haharapin ng UA Blue Pelicans, na nag-iingat ng 1-0 kartada, ang Dove sa alas-4 ng hapon kung saan ibig nilang maduplika ang kanilang 80-56 panalo noong nakaraang Linggo sa Sienna College Red Lilies.

Galing naman ang SSC Doves sa 94-30 kabiguan kontra sa College of St. Benilde Lady Blazers noong Linggo rin.

Sa iba pang laro, titipanin ng host Assumption College ang Siena sa alas-11:30 ng tanghali, habang sasagupain naman ng Emilio Aguinaldo College ang Rizal Technological University sa ala-1 ng hapon.

At sa midget games, haharapin ng SSC ang St. Benilde College sa alas-8 ng umaga, bago susunod ang paghaharap ng AC at De la Salle-Zobel sa alas-9.

Sa high school division, maghahamok ang Angelicum at St. Benedict sa alas-10 at maglalaban naman ang St. Scholastica at DLSZ sa alas-2:30 p.m.

Show comments