^

PSN Palaro

Ateneo vs La Salle

-
Para kay Ateneo coach Joel Banal, hindi magpapaapekto ang kanyang tropa sa pagkawala ng isa niyang key player sa kanilang susuunging laban kontra sa defending champion De La Salle University sa pagpapatuloy ng elimination round ng 68th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Sa nakatakdang alas-4 ng hapong sultada nila ng Green Archers, hindi maaasahan ng Blue Eagles ang serbisyo ng kamador na si Richie Alvarez dahil sa pagkaka-suspindi nito ng isang laro ng technical committee na pinangunahan ni chairman Bren Perez ng UE.

Si Alvarez ay sinuspindi matapos na makipag-away kay Jojo Hate ng Adamson sa kanilang laban noong Linggo kung saan nagwagi ang Katipunan-based cagers sa iskor na 79-73.

Bagamat malaking bagay si Alvarez para sa kampanya ng Ateneo na pigilan ang tangkang sweep ng Green Archers, kumpiyansa si Banal na mareresolbahan niya ang pagkawala nito kung saan kanyang pababalikatin ang puwesto ng cager sa kanyang rookie na si Douglas Kramer upang makatulong ng mga starters na sina Enrico Villanueva, Lewis Alfred Tenorio, Jeck Chia at Larry Fonancier.

Sa isa pang senior game, tangka naman ng University of the East na mailista ang kanilang ikalimang panalo sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng University of Santo Tomas sa alas-2.

At sa dalawang junior games, maghaharap ang UE Pages at ang UST Golden Cubs sa alas-10 ng umaga at titipanin naman ng Blue Eaglets ang DLS-Zobel sa alas-11:45 ng tanghali. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

BREN PEREZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

DOUGLAS KRAMER

ENRICO VILLANUEVA

GOLDEN CUBS

GREEN ARCHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with