^

PSN Palaro

Malaysia pinahirapan muna ng Pinoy 5 bago nanalo

-
KUALA LUMPUR-Kinailangan ng Malaysia na dumaan sa butas ng karayom bago nila napayukod ang Team Burlington-Philippines, 57-55 sa 3rd Southeast Asia Basketball (SEABA) Junior Men’s Championship sa MABA Gym dito.

Binigyan ng Filipinos ang Malaysians ng mabigat na hamon bago naitakas ang kanilang panalo sa pagsasara ng 18-year-and-under biennial meet na ito.

Nagkaroon ng tsansa ang RP-5 na madala ang laro sa overtime, subalit pumaltos ang jumper ni Jerson Torculas gayundin ang follow-up ni Jayfelson Agbayani kasabay ng pagtunog ng buzzer.

Tumapos ang Filipinos ng ikaapat na puwesto sanhi ng kanilang 1-3 record kung saan ang natatanging panalo ng Nationals ay mula sa mga kamay ng Singapore, 98-43.

Inaasahan na madaling maipapanalo ng Malaysia ang kanilang laban matapos na tambakan ang Singapore ng 82 puntos, 21 ang Indonesia at 12 naman ang Thailand para sa kanilang kauna-unahang panalo sa tournament na huling ginanap sa Indonesia noong 1998 kung saan ang Philippines ang siyang nag-uwi ng kampeonato.

Nakopo ng Malaysia at Thais, na tumapos naman ng ikalawang posisyon bunga ng kanilang 66-39 tagumpay laban sa Singaporeans sa penultimate game, ang karapatang katawanin ang rehiyon sa ABC Junior Men’s Championship sa Disyembre.

BINIGYAN

DISYEMBRE

INAASAHAN

JAYFELSON AGBAYANI

JERSON TORCULAS

JUNIOR MEN

KINAILANGAN

NAGKAROON

SOUTHEAST ASIA BASKETBALL

TEAM BURLINGTON-PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with