Jarencio binitbit ang Hartman Seigle sa panalo

Sumandig ang Hartman Seigle sa dating PBA player na si Pido Jarencio upang walisin ang Homer Mercado Builders, 92-82 noong Biyernes upang pagandahin ang kanilang record sa 4-0 sa 4th Danny Espiritu Invitational Open Cup basketball tournament sa Lyceum gym.

Pumukol si Jarencio ng 34 puntos upang pamunuan ang pananalasa ng Hartmans sa second half sa torneong ito na sponsored ng Spring Margarine, Morning Star Tours and Travel, Red Bull, Purefoods, FedEx, SMB, Coca-Cola, Ginebra San Miguel, Sta. Lucia, Shell, Talk ‘N Text at Alaska na suportado ng Milo at Adidas.

Binigo naman ng tropa ni Mayor Peewee Trinidad ng Pasay ang debut ng Wangs Ball Club, 67-64 sa isa pang laro.

Ang aksiyon ay muling magpapatuloy bukas kung saan haharapin ng Builders ang Wangs sa alas-6 ng gabi sa Lyceum gym.

Show comments