Winning streak ng Shell pinigil ng Beermen
July 27, 2002 | 12:00am
Dinomina ng San Miguel Beer ang laban kontra sa Shell Velocity upang putulin ang pamamayagpag ng Turbochargers matapos ang 93-70 panalo kagabi sa Samsung-PBA Commissioners Cup sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi.
Nakalapit sa 8-teams quarterfinal phase ang SMBeer matapos itala ang kanilang ikaapat na panalo sa pitong pakikipaglaban habang naputol naman ang three-game winning streak ng Shell na naging sanhi din ng kanilang ikaapat na pagkatalo sa pitong laro.
Umiskor si import Art Long ng 17 puntos sa first half, 12 sa ikalawang quarter kung saan kumawala ang San Miguel na umbante sa 53-30 sa pagsapit ng halftime mark.
Tumapos si Long ng 25 puntos, kasunod sina Shea Seals at Dorian Peña na may tig-17 puntos bawat isa habang si Nick Belasco ay nag-ambag naman ng 16-puntos.
Ipinoste ng Beermen ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 34 puntos, 83-49 mula sa back-to-back slam dunk ni Long sa ikaapat na quarter, 6:56 na lamang ang natitirang oras sa laro.
Wala nang nagawa pa ang Shell na pinangunahan ni Johnny Jackson sa paghakot ng 24 puntos habang ang kanyang partner na si George Banks ay nalimitahan sa 12 puntos lamang.
Magpapatuloy ang aksiyon sa Ynares Center ngayon kung saan maghaharap ang Coca-Cola Tigers at Sta. Lucia Realty, gayundin ang Alaska Aces at Barangay Ginebra.
Hangad ng Sta. Lucia (4-2) na masiguro ang ikatlong quarterfinal slot kung saan may naireserba na ang Coca-Cola at ang defending champion Batang Red Bull (5-1).
Makalapit naman sa 8-team quarterfinals ang hangad ng Aces habang lalong pahigpitin ang kapit sa kontensiyon ang asam naman ng Gin Kings.
Muling sasandalan ng Realtors sina Chris Clay at Stephen Howard na babangga naman kina Ron Hale at Bryant Basemore ng Tigers. Sina Carawell at Ajani Williams naman ang babandera sa Aces na tatapatan naman nina Isaac Spencer at Ben Davis para sa Ginebra.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull at RP-Selecta team bilang main game.(Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended