Bustamante vs Strickland
July 22, 2002 | 12:00am
Maluwag ng natanggap ni Francisco Django Bustamante ang pagka-wala ng kanyang anim na buwang anak na babae noong Biyernes at lumaro ito ng pinakamahusay niyang performance upang igupo ang Chinese-Taipei na si Ching-Shun Yang, 11-7 at makapasok sa finals ng World Pool Championship.
Ang panalo ni Bustamante ang nagsaayos ng kanyang pakikipagharap kontra sa sumpungin at dating two-time champion Earl The Pearl Strickland ng Amerika sa race-to-17 match na may nakatayang $65,000 premyo na tinatayang P3.25 milyon.
Nakarating si Bustamante sa semis nang kanyang sibakin muna sa quarterfinal ang matalik na kaibigang si Efren Bata Reyes, 11-8, ha-bang ginapi naman ni Strickland si Kunihiko Takahashi, 11-3.
Tinalo muna ni Strickland sa quarterfinals ang isa pa ring Japanese cue artist at dati ring kampeon na si Takeshi Okomura, 11-5 upang itakda ang kanyang showdown kontra Bustamante na maituturing na siyang pinakamagaling sa siyam na Filipinong kasali bunga ng kanyang tatlong impresibong panalo sa mga major pool tournaments na kinabibilangan ng Motolite 9-Ball World Challenge kung saan ginapi niya ang top favorite na si Corey Deuel sa field na kinabibilangan rin ng 2001 Cardiff champion Mika Immonen, Takahashi at Strickland.
Sa kanyang pakikipaglaban sa 24-anyos na si Yang, winner ng gintong medalya sa World Games na sumibak naman kontra Johnny Archer sa quarters, 11-2, lumaro si Bustamante ng maningning na performance upang talunin ang Taiwanese na isa sa may mahusay na strokes.
Ngunit dahil na rin sa mahusay niyang break, naibulsa ng 38-anyos na si Bustamante ang apat na bola upang walisin ang ikalimang racks na naglagay sa kanya sa 4-1 kalamangan, bago nagkamali ang manlalarong mula sa Tarlac papasok sa game seven kung saan nagawang itabla ni Yang ang iskor sa 5-5 patungo sa pag-agaw ng trangko sa 7-5.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended