Nagrolyo ang kaliweteng si Nepomuceno ng 12-game series na 2,341 pinfalls kamakailan sa Paengs Skybowl upang makakuha ng slot para sa local finals na nakatakda sa Setyembre 1, 2, 4 at 6.
Ang iba pang national bowlers na umusad makaraan ang first qualifying round ay sina C.J. Suarez, Biboy Rivera, Chester King, Irene Benitez, Liza del Rosario at Jojo Canare.
Nagtala sina Suarez, Rivera at King ng 2,334, 2,684 at 2,483 sa 12 games, ayon sa pagkakasunod, habang sina Benitez, del Rosario at Canare ay nagpatumba ng 2,026, 2,036 at 1,867 sa 10 games, ayon sa pagkakasunod.
Nakatakda ang ikalawang qualifying period sa 24 centers sa Metro Manila at probinsiya na ang center finals ay gaga-napin sa Agosto 25-30.
Ang national champions ang siyang kakatawan sa 38th World Cup international finals na nakatakda sa Oct. 20-26 sa Toss Bowling Hall sa Riga, Latvia.
Dinala nina Liza del Rosario at Benny Dytoc ang kampanya ng bansa sa nakaraang taong international finals kung saan si del Rosario ang tinanghal na first runner-up.