^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante, Lining nakakapit pa

-
Isang leksiyon ang itinuro ni Efren ‘Bata’ Reyes sa bata at papasikat pa lamang na si Dennis Orcullo sa World Pool Championships sa Cardiff noong Huwebes nang kanya itong payukurin sa mahigpitang labanan sa iskor na 9-6 upang pamunuan ang dalawang iba pang Filipinos na sina Francisco ‘Django’ Bustamante at Antonio Lining sa race-to-eleven, round of sixteen.

Hindi rin nakaligtas ang isa pang Pinoy cue artist na si Ramil Gallego na nakasama matapos na makaligtas sa qualifying tournament sa round of 32 nang yumukod sa Japanese ace na si Takeshi Okamura, 9-8.

Abot kamay na sana ni Gallego ang tagumpay nang itala niya ang 8-3 kalamangan, subalit nagawang umahon ng 50-anyos na si Okamura, 1994 world champion nang walisin ang anim na sunod na racks na siyang nagpatalsik sa Filipino sa kontensiyon.

Hindi matanggap ni Gallego ang kanyang sinapit na kamalasan at sa sama ng loob ay inihagis nito ang kanyang tuwalya sa lamesa, habang nagsasaya naman na itinaas ni Okamura ang kanyang mga kamay at umiyak makaraang ipasok ang 9-ball.

Ang sagupaan sa pagitan nina Reyes at Orcullo ay maihahalintulad sa isang labanan sa pagitan naman ng ‘master’ at mag-aaral’, bagamat kontrolado ni Reyes ang laban, hindi naman nagpabaya si Orcullo at maaga pa lang ay nag-ensayo na ito sa lamesa.

Sa kabila ng kanyang pagkatalo, maganda rin ang ipinakita ni Orcullo nang sumablay si Reyes sa 7-ball. Subalit nakawala kay Orcullo ang magandang pagkakataon at sa pagbabalik ng laro, kumana ang tinaguriang ‘The Magician’ ng dalawang mahusay na tira upang itabla ang iskor at dito na ipinamalas ni Efren ang kanyang pagiging beterano upang iposte ang 7-3 kalamangan.

Makakaharap ni Reyes ang isa ring dating champion na si Oliver Ortman ng Germany na inilalarawan na isang ‘fantastic player.’

Kaiba naman kay Bustamante, naging madali ang kanyang panalo nang sa unang sargo pa lamang ay hawak na niya ang tempo at patalsikin si Victor Tapies, 9-1.

Tila hindi naging maganda ang kinalabasan ng draw para sa Filipinos kung saan makakaharap ni Bustamante si Antonio Lining na umiskor ng 9-0 panalo kontra Germany’s Thomas Engert.

Ang iba pang nakausad sa round of 16 ay sina Earl Strickland na haharap sa kapwa niya American na si Jeremy Jones, Johnny Archer na sasabak naman sa batang Chinese Taipei star Kung Fang Lee, Hiroshi Takenaka ng Japan na makakaharap ang isa pang Taipei player na si Chin Shung Yang, Alex Lely ng Holland na sasabak kontra Kanihiko Takahashi ng Japan, Fil-Canadian Alex Pagulayan na haharap kay Marcus Chamat ng Sweden na sumibak sa No. 1 seed Corey Duel, 9-6 at Takeshi Okamura ng Japan na mapapasabak kontra Lu Kung Hung ng Chinese Taipei.

ALEX LELY

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

CHIN SHUNG YANG

CHINESE TAIPEI

COREY DUEL

EFREN

ORCULLO

REYES

TAKESHI OKAMURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with