Kumalawa sa huling segundo ng maiinit na labanan ang University of Alberta Golden Bears of Canada upang ipatikim sa Philippines ang 84-83 pagkatalo.
Ang dalawang koponan ay nagtabla sa 1-1 win-loss slate at patuloy pa rin silang nakakapit sa kontensiyon.
Maaga pa lamang ay ipinamalas na ng Bears ang pormang nagputong sa kanila ng Canada Inter-University Athletic Union (CIAU) champions nang iposte ang 21-puntos na kalamangan, pero nagawang ibaba ng Filipinos ang abante ng kalaban sa pitong puntos bago mag-halftime.
At sa sumunod na play, muling ipinagpatuloy ng Filipinos ang kanilang pagbangon nang tuluyan ng makalapit sa Bears sa pagpasok ng final canto, bago naagaw ng RP-5 ang trangko sa huling tatlong minuto, subalit hindi naging sapat ang kanilang pagpu-punyagi nang sa huling segundo ng labanan ay kumulapso ang depensa ng tropa ni coach Francis Rodriguez.
Nagkaroon ng tsansa ang Filipinos na maagaw ang tagumpay, ngunit pumaltos ang pinakawalang tres ni Alex Compton.
Pinangunahan nina Compton at Dacia ang Philippines sa pagtapyas ng tig-24 puntos.
Magpapahinga ngayon ang Philippines at ang kanilang kampanya ay magbabalik bukas kontra sa South Korea Military Team, nakaraang taong runner up.