^

PSN Palaro

Japan magbibigay ng magandang laban

-
Sa pagsisimula ng World Grand Prix 2002 sa Tokyo, Japan nitong nakalipas na linggo, isang beses lamang nagawang manalo ng host’s national women’s team sa tatlong laro. Tinalo ng Japan ang Thailand sa straight sets (25-14, 25-18, 25-13), subalit pawang yumukod naman sa straight sets din sa mga kamay ng Germany (20-25, 19-25, 21-25) at Brazil (24-26, 20-25, 25-27).

Pero ang dalawang iskor na pagkatalo ng Japanese women’s team ay nagpapakita lamang na sila ay lumalaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali. At dahil sa karanasang ito, umaasa ang Japan na natuto na sila ng leksiyon sa nakalipas na tatlong laro sa pagdako ng World Grand Prix sa Manila simula sa Biyernes.

Makakaharap ng Japan ang Brazil sa Biyernes at susunod na sasagupain ang China leg topnotcher Russia sa Sabado bago ang kanilang rematch ng Germany sa Linggo.

Ang Araneta Coliseum ang siyang magiging venue ng World Grand Prix’s Philippine series kung saan ang New Pagcor ang siyang presentor at ang San Mig Light, Agfa Film, Red Bull Energy Drinks, PCSO, Philippines Sports Commission at Adidas ang siyang major sponsors.

Ang kampanya ng Japan ay pangungunahan ni Horai Makiko at Sugiyama Sachiko, na siyang mga top scorers sa Tokyo sa nakaraang linggo at ang koponan na mula sa Land of the Rising Sun ang siyang darkhorse sa tournament.

Bagamat hindi gaanong nakapagpakita ng maganda sa unang yugto, inaasahan na gagawa ang Japan ng malaking sorpresa sa Manila leg kung saan siguradong ipapakita nila ang kanilang porma ng mapagwagian nila ang katatapos pa lamang na International Canada mula sa mga kamay ng host nation.

Maganda rin ang naging performance ng Japan noong nakaraang taong Grand Champions Cup na kanilang ini-host. At sa nasabing tournament, tinalo ng Japanese ang Brazil, South Korea at Amerika at natalo lamang sa China at Russia na naghatid sa kanila ng ikatlong puwesto.

Naglaro rin sila ng friendly matches sa kanilang bansa kontra sa Amerika, bukod pa ang pagsali nila sa Montreux Volley Masters sa Switzerland at isa pang 4-nation tournament sa Italy.

Ang iba pang Japanese players na dapat bantayan sa event na ito kung saan ang Philippine Star, 92.3 Joey’s Rhythm, DZAR Angel Radyo 1026 at Viva Vintage TV ang mga media partners ay sina Otomo Ai, Mukai Hisako, Takahashi Miyuki at Kodama Sachiko. Ang guro ng koponan ay si Masahiro Yoshikawa.

Nagsidantingan na kahapon sa Ninoy Aquino International Airport ang magagaling na manlalarong babae na kalahok sa nalalapit na 2002 World Volleyball Grand Prix na gaganapin sa bansa simula sa Hulyo 19.

Dakong alas-12:45 ng tanghali nang unang dumating sa NAIA ang koponan ng Japan lulan ng Japan Airlines flight JL-741 mula sa Nagoya.

Samantalang, magkasunod naman na dumating sa premier airport ang iba pang mga dayuhang koponan na kalahok sa nasabing pinakamalaking torneo.

Kabilang sa magkakasunod na dumating dakong alas-4:25 ng hapon ay ang Russian team lulan ng Cathay Pacific flight CX-919, at magkasabay namang dumating ang koponan ng Brazil at Germany na kapwa sakay ng flight CX-903, bandang alas-6:30 ng gabi. (May ulat ni Butch Quejada)

AGFA FILM

AMERIKA

ANG ARANETA COLISEUM

ANGEL RADYO

BIYERNES

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC

GRAND CHAMPIONS CUP

JAPAN

WORLD GRAND PRIX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with