Bagong import ipaparada ng Ginebra

Bagong import ang ipaparada ngayon ng Barangay Ginebra sa kani-lang out-of-town game laban sa Sta. Lucia Realty sa pagbisita ng Samsung-PBA Commissioner’s Cup na suportado ng Air Philippines sa Dumaguete City.

Isasalang ngayon ng Gins Kings sa pang-alas-6:15 ng gabing salpukan sa L. Macias gym si Isaac Spencer na siyang kapalit ni Silas Mills na may attitude problem.

Unang napili ng Gin Kings na ipalit kay Mills ang isang NBA veteran na si Chris Porter ngunit hindi sila nagkasundo kaya naman ang ikalawang choice ng Ginebra ay ang 6’6 na si Spencer.

Si Spencer ay naging standout sa Murray State, isang Division 1 sa US NCAA at nakapaglaro sa posisyong guwardiya at forward, kung saan siya ay second all-time leading scorer sa kanyang 21.6 puntos at 7.1 rebounds sa Murray State.

Makakatulong ni Spencer si Ben Davis, ang nag-iisang import ng Ginebra sa kanilang 74-63 pagsorpresa sa Talk ‘N Text noong Linggo.

Humakot si Davis ng 25 puntos habang naging malaking suporta naman ang ibinigay ng ‘Bandana Brothers’ na sina Mark Caguioa at Jayjay Helter-[brand upang isulong ang Gin Kings sa kanilang 2-3 win-loss slate.

Bukod sa karagda-[gang tulong ng kanilang bagong import, paniba-gong puwersa rin ang maihahatid ng pagbabalik aksiyon ni Jun Limpot.

Hangad naman ng Sta. Lucia Realty na makakalas sa three-way tie sa 2-2 panalo-talo baraha kung saan kabilang ang San Miguel Beer at RP-Selecta sa likod na nangungunang Coca-Cola Tigers (4-1) at magkasalo sa 3-1 record na defending champion Batang Red Bull at Alaska Aces at Talk ‘N Text na may 3-2 karta.

Pangungunahan naman nina Stephen Howard at bagong import ng Realtors na si Chris Clay, dating MBA player na naging malaking kontribusyon sa 66-62 pamamayani ng Realtors laban sa Nationals.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang SMB at defending champion Batang Red Bull sa nag-iisang laro sa Cuneta Astrodome.

Ang Thunder ay naghahangad na makisalo sa nagsosolong lider na Tigers habang ikatlong sunod na tagumpay naman ang target ng Beermen.

Show comments