^

PSN Palaro

Pinoy jins overall champ

-
Limang kabataan mula sa Manila ang nagpamalas ng impresibong performances sa 2002 World Taekwondo Festival-5th Korea Open noong nakaraang Hulyo 2-5 sa Chung Cheong, South Korea upang tulungan ang Team Philippines na makapagsubi ng 13 golds, 8 silvers at 8 bronze medals na naglagay sa kanila sa overall championship.

Ang kampanya ng Big City bets ay binanderahan ng magkapatid na Rotrice at Rochelle Lavalan na kapwa humakot ng gintong medalya sa female young jins (12 years and below) finweight at lightweight categories, ayon sa pagkakasunod, habang sinungkit naman ni Paolo Angeles ang ginto sa men young junior light welterweight class.

Nakuntento lamang si Raffy de Jesus sa silver sa men young juniors welterweight category, habang bronze lang ang nakayanan ni Gyle Geñoroso sa finweight division.

Ang iba pang miyembro ng kopo-nan na nagmula sa iba’t ibang probinsiya sa bansa na nag-uwi ng ginto ay sina bantams Pauline Reyes at Rei Vincent Sambo, middleweight Elaine Alora, welter Andre Perez at light welter Precious Malit.

ANDRE PEREZ

BIG CITY

CHUNG CHEONG

ELAINE ALORA

GYLE GE

KOREA OPEN

PAOLO ANGELES

PAULINE REYES

PRECIOUS MALIT

REI VINCENT SAMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with