Sa tingin ng maraming NCAA fans, ito na ang isa sa pinaka-exciting na NCAA seasons dahil na rin sa mukhang pantay-pantay na lakas ng mga teams na kasali.
Sinasabing pinaka-paborito pa rin ang San Sebastian Stags ni Turing Valenzona pero alam nyo naman sa NCAA, kahit sino puwedeng masilat kahit na anong araw.
Ang SSC Stags ang siyang nag-champion sa Fr. Martin Cup at sa Ambrosio Padilla Cup na kamakailan lang at ang pagka-panalong yan ay naging sapat na upang ihayag ng marami na tutuo nga, mahihirapan na ang ibang teams na talunin ang mga bata ni Turing.
Pero kuwidaw, lahat ng teams eh nakahandang pataubin ang Stags at pigilan sila na maka-grandslam sa NCAA.
Malakas pa rin ang College of St. Benilde. Medyo nawalan lang sila ng ilang malakas na beterano, pero matindi pa ring team ito.
Hawak na muli ni Louie Alas ang Letran Knights at yan mismo ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit sinasabi nilang paborito rin ang team na ito.
Halos lahat ng naka-tuneup game ng Mapua Cardinals ay tinalo nila at marami diyan eh UAAP teams pa kaya naman may mga humuhulang madadaig ni coach Horacio Lim ang kanyang third place finish last year. Anim ang rookies ni Horacio at pa-graduate na rin ang tatlong beterano niya mula sa NCAA. Ilang taon ding nag-champion sa juniors si Horacio. Magagawa na kaya niyang mag-champion sa seniors.
Host ang San Beda College. May bago itong coach. Gutom na gutom na ang Red Lions. Ilang taon na nga naman silang hindi nagtsa-champion. Ilang taon na silang laging bigo. Ilang taon na nga raw na ang problema nila eh ang kanilang coach. Ngayong pinalitan na naman ang coach nila, magbago na kaya ang kanilang kapalaran?
Wala na ang malalakas na bata ni Boy de Vera na tulad nina Nani Epondulan at Rendell dela Rea. Pag tinignan mo ang line-up ni Boy, halos puro bagong mukha. Akala mo lahat rookies. Pero huwag ka, sabi nga ni Boy, baka mamayat ganyang walang superstars o bigstar sa kanyang team eh ngayon pa siya mag-champion. Oo nga, malay nyo?
Wala na si Jojo Manalo, Chester Tolomia at Gilbert Malabanan sa Perpetual. Wala na ang kanilang mga superstars. Pero tulad ni Boy, naniniwala si Bai Cristobal na baka kung kailan wala na siyang mga pa-istar eh tsaka pa magising ang mga bata niya.
At ang PCU ni Jimmy Mariano? Yan ang team na gustong-gustong mag-champion. Sa palagay nila, ngayon na ang taon nila. Ngayon na ang pagkakataon. Mataas at mabibilis ang mga bata ni coach Jimmy. Magagawa na kaya nilang mag-champion?
Ang halos pantay-pantay na lakas ng mga teams ang siyang pina-kamalaking bentahe ngayon ng NCAA.
Nandiyan pa ang magandang merchandising ng ABS-CBN na siya ngayong may hawak ng coverage para sa Studio 23.
Sold out na ba ang ticket para sa mga laro ngayong Sabado?
Malalaman natin...
Isang Olympian, isang magaling na basketball player, isang champion coach, isang mabait na kaibigan at higit sa lahat, isang ulirang ama at asawa.
Sa likod ng kanyang bad boy image na siyang nagpasikat sa kanya noon, nakapaloob ang isang napakabait na nilalang na minahal ng maraming kaibigan.
Nung makilala namin si Charlie ay coach siya ng Cardinals sa NCAA. Sa kanya nanggaling ang mga tulad nina Junel Baculi at Leo Isaac na pawang mga sikat na coaches na rin ngayon. Nagawa niya ring mapag-champion ang Cardinals nung 1981.
Through the years, he was always a friend at kahit na ano pa ang nangyari sa paglipas ng panahon, hindi rin siya nagbago ng pakikitungo sa amin.
Once a friend, always a friend. Thats Charlie Badion.
Paalam, coach!