^

PSN Palaro

Davao solo lider na

-
DAVAO CITY--Naging mainit ang Professional Davao Eagles sa final canto upang iposte ang 97-87 tagumpay kontra Cagayan de Oro City noong Martes ng gabi upang kunin ang solong pamumuno sa MBA National Conference sa Rizal Memorial Colleges Gym dito.

Ito ang ikalawang sunod na tagumpay ng Eagles sa Southern Conference na nananatiling koponan na wala pang talo sa eight-team field.

Sa pangunguna nina Cid White at Billy Mamaril, naglatag ang Eagles ng 13-2 bomba upang itala ang pinakamalaking kalamangan sa 84-68.

Mula dito, hindi na nagpabaya ang Eagles at kanilang inalagaan na lamang ang naitayong pundasyon na hindi na nagawa pang lingunin ng Amigos.

Tumapos si White ng 22 puntos, habang nagdagdag naman si Mamaril ng 15 puntos, bukod pa ang 12 rebounds para sa Eagles na dumuplika sa kanilang 76-65 pananaig kontra sa Cebuana Lhuillier Gems noong Linggo ng gabi.

Nagbigay rin ng suporta ang rookie na si Jon Dan Salvador kay Mamaril sa boards nang trangkuhan ng Eagles ang 63-49 kalamangan sa rebounds upang ipalasap sa Amigos ang kanilang ikalawang sunod na talo.

Kumana si Ernani Epondulan ng 19 puntos para sa Amigos.

vuukle comment

BILLY MAMARIL

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CID WHITE

ERNANI EPONDULAN

JON DAN SALVADOR

MAMARIL

NATIONAL CONFERENCE

ORO CITY

PROFESSIONAL DAVAO EAGLES

RIZAL MEMORIAL COLLEGES GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with