Hindi pa gaanong sikat eh,laos na
June 19, 2002 | 12:00am
Nakatikim lang ng pera at kaunting popularidad ang player na ito ay nag-iba na siya ng ugali.
Lahat ng teammates niya at mga kaibigan ay iisa ang sinasabi...Na nag-iba na nga siya ng ugali mula nung sumikat siya.
Ngayon, mukhang nababawasan na ang ningning ng kanyang career. Malapit na siyang malaos.
Magbago na kaya siya ng ugali?
Si Enrico Villanueva na ang MVP sa PBL.
Walang duda yan.
Puwede nyo nang ipusta ang bahay at lupa nyo.
(Ayoko nga, eh kung mawalan ako ng bahay saan ako titira?--ed)
Kawawa naman ang mga players ng isang PBL team.
Wala silang kamalay-malay na disband na ang team nila.
Naghihintay pa sila ng suweldo pero wala na siguro silang makukuha at aasahan.
Hindi nagkatuluyan ang Ateneo at La Salle rivalry sa PBL Chairmans Cup.
Sayang, inaasahan pa namang preview ito ng nalalapit na pagbubukas ng UAAP season.
Pero gayunpaman, maganda rin naman ang kinalabasan dahil bago sa paningin ng manonood ang kampeonato--sa pagitan ng Ateneo at Blu Sun Power.
Kaya naman tuwang-tuwa si Mr. Dioceldo Sy, ang PBL chairman kasi team niya ang pumasok sa finals.
Happy ka na ba Mr. Sy?
Ang daming kuwento ni dating PBA executive secretary Linda Vergara na aming nakausap kamakailan lamang.
Kuwentong PBA na pawang mga off-the record kaya hindi puwedeng isulat.
Sayang, marami pa namang sana akong puwedeng ibuking pero hindi na lang.
Lahat ng teammates niya at mga kaibigan ay iisa ang sinasabi...Na nag-iba na nga siya ng ugali mula nung sumikat siya.
Ngayon, mukhang nababawasan na ang ningning ng kanyang career. Malapit na siyang malaos.
Magbago na kaya siya ng ugali?
Walang duda yan.
Puwede nyo nang ipusta ang bahay at lupa nyo.
(Ayoko nga, eh kung mawalan ako ng bahay saan ako titira?--ed)
Wala silang kamalay-malay na disband na ang team nila.
Naghihintay pa sila ng suweldo pero wala na siguro silang makukuha at aasahan.
Sayang, inaasahan pa namang preview ito ng nalalapit na pagbubukas ng UAAP season.
Pero gayunpaman, maganda rin naman ang kinalabasan dahil bago sa paningin ng manonood ang kampeonato--sa pagitan ng Ateneo at Blu Sun Power.
Kaya naman tuwang-tuwa si Mr. Dioceldo Sy, ang PBL chairman kasi team niya ang pumasok sa finals.
Happy ka na ba Mr. Sy?
Kuwentong PBA na pawang mga off-the record kaya hindi puwedeng isulat.
Sayang, marami pa namang sana akong puwedeng ibuking pero hindi na lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest