Magsisimula pa lang ang NCAA pinuputakti ng ng intriga

Tuwing opening ng NCAA, laging last game ang host school.

Kaya naman sa darating na NCAA opening ceremonies, fourth game ang host school San Beda kontra sa Letran Knights.

Dalawang laro lang ang mai-tetelevise ng Studio 23 at yun ay ang first game sa pagitan ng Mapua vs PCU at second game naman na JRC vs St. Benilde.

Pero nagkaroon ng bagong pagbabago at ang dating last game na San Beda at Letran ay second game na siyang mapapanood ng televiewers sa opening day.

Natural, lahat ng paaralan ay nagnanais na makasama sa live coverage ng Studio 23, pero two games nga lang ang puwede.

Ang tanong, " Bakit naman daw naging second game ang San Beda at Letran?"

Totoo bang hindi nagustuhan ng mga taga-JRC at College of St. Benilde ang nangyari?

Hindi pa nga nag-uumpisa eh may intriga na.
* * *
Ilang taon nang laging ang choreographer na si Bobby Ongkiko ang namamahala ng opening day program at choreography ng mga cheerleaders.

Pero ngayong taon, hindi na siya.

Bakit kaya?
* * *
Si Abet Guidaben, ang dating Crispa player at basketball legend ang coach ng PCU junior team sa NCAA. Si Jimmy Mariano naman ang coach ng senior team.
* * *
Lumabas na rin ang alingasaw sa mag-asawang Bal at Malou David.

Noon pa namin ipinapahiwatig sa inyo yan pero halos walang maniwala.

Ngayon umabot pa sa demandahan.

Abangan n’yo may isa pang sikat na basketball couple ang hahantong na rin sa ganyang sitwasyon.

Show comments