^

PSN Palaro

Motolite World 9-Ball Challenge bukas na

-
Nakatakdang dumating kahapon ang World Pool Champion na si Mika Immonen na kilala bilang "Fantastic Finn" kasama ang ace Japanese player na si Kunihiro Takahashi para sa Motolite World 9-Ball Challenge na magbubukas sa Araneta Coliseum bukas.

Ang dalawa pang miyembro ng "Rest of the World’ squad ay sina US Open champion Corey Duel, ang batang American sensation at three-time world champion at five-time US champion Earl ‘The Pearl’ Strickland ay nakatakdang dumating ngayon.

Ang ‘Philippines Best’ naman ay pangungunahan ng "The Magician’ Efren ‘Bata’ Reyes na sabik nang makipaglaban sa apat na mahuhusay na players sa mundo ngayon.

Kasama ni Reyes sa koponan sina Francisco ‘Django’ Bustamante, nanalo sa nakaraang Japan Open na dumating kahapon bukod pa kina Antonio Lining at ang rising star na si Dennis Orcullo.

Sinabi ni Immonen kay Artisteo ‘Putch’ Puyat na sabik din itong lumaban sa Manila sa kanyang unang dalaw sa Pilipinas gayundin si Duel na ranked no. 1 AZ Billiards sa buong mundo ngayon bunga ng kanyang anim na panalo noong nakaraang taon sa Billiards Congress of America 9-Ball Championship, US Open, ESPN Sudden Death 7-Ball at 34th All-Japan Championships.

Makakasama nina Immonen at Takahashi sina Reyes, Bustamante, Lining at Orcullo sa news conference ngayong alas-2:00 ng hapon sa Araneta Coliseum na magiging punong abala ng torneo sa June 6-11.

ALL-JAPAN CHAMPIONSHIPS

ANTONIO LINING

ARANETA COLISEUM

BALL CHALLENGE

BALL CHAMPIONSHIP

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA

BUSTAMANTE

COREY DUEL

DENNIS ORCULLO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with