^

PSN Palaro

Nueva Ecija kumana sa FedEx Tour of CALABARZON

-
LIPA City - Labanan ng mga National riders ang magiging tema ng pagtatapos ngayon ng FedEx Tour of Calabarzon sa ika-apat at huling lap mula sa bayang ito pabalik sa Quirino Grandstand sa Manila.

Matutuon ang atensiyon kina Arnel Quirimit ng Nueva Viscaya-PAG-COR at Santi Barnachea ng Visayas-Corporate Air na siyang nagsusuot ng green jersey na sagisag ng lap winner ng stage 2 at yellow jersey na simbolo naman ng overall leadership ayon sa pag-kakasunod.

Halos tiyak na ang pagiging team overall champion ng Nueva Ecija-Accel matapos manguna sa Team Time Trial sa Stage 3 kahapon kung saan ginamit ang oras ng top three riders ng anim na siklistang pinatakbo bawat teams.

Ang Nueva Ecija ay may deficit na 22.42 minutong layo sa kanilang pinakamalapit na kalabang Central Luzon sa kanilang kabuuang oras na 27 oras, 43.48 minuto matapos magsumite ng aggregate time na 6:33.29 sina Ronald Dorantes, Bernard Luzon at Albert Primero mula Lucena hanggang sa bayang ito na may habang 81.2 kilometro.

Kailangan na lamang imentina ng Nueva Ecija ang kanilang oras upang maisubi ang P200,000 top prize para sa team division, P150, 000 para sa ikalawa at P100,000 para sa ikatlo.

"Mahirap magsuot ng yellow jersey kasi siguradong babantayan ako," pahayag ng 26-gulang na si Barnachea na siyang pumangalawa kay Quirimit sa Stage 2 at umagaw ng overall leadership sa Stage 1 winner na si Warren Davadilla.

Si Barnachea ay may kabuuang oras na 8:24 .01 na may distansiyang 2:07 minuto kay Quirimit sa overall leadership at 3:57 minuto sa pumapangatlong si Albert Primero ng Nueva Ecija.

Ang final lap na ito na may distansiyang 168 km ang tutukoy ng tatanghaling kampeon at magbubulsa ng P50,000 champion purse habang ang runner-up at third place ay may P30,000 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

"I am very happy about the success of the Tour of Calabarzon 2002. I’t goes to show that cycling indeed could rank as one of the country’s no. 1 spectator sports," pahayag ni Bert Lina, chairman ng Airfreight 2100. "With the way things are turning out, Airfreight 2100 is underscoring its commitment to support the Tour and cycling in general."

Inaasahang magbibigay din ng matinding hamon ang iba pang Natio-nal riders na nasa top ten na kinabibilangan nina Alfie Catalan ng NCR-Airfreight 2100 na nasa 5th overall, Emelito Atilano ng Bicol-PCSO na ika-6th, at Mercullo Ramos ng Central Luzon-Darlington na nasa ika-7th.

Magkakaroon ng festivities sa Quirino Grandstand para sa final stage kung saan magkakaroon ng unicycle exhibition, exhibition games at autograph signing ng FedEx Express PBA team. Mag-pe-perform din ang Banda ng Manila at isang Ati-atihan group at ang master rapper na si Andrew E.

ALBERT PRIMERO

ALFIE CATALAN

ANDREW E

ANG NUEVA ECIJA

ARNEL QUIRIMIT

BERNARD LUZON

BERT LINA

NUEVA ECIJA

QUIRINO GRANDSTAND

TOUR OF CALABARZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with