^

PSN Palaro

Blockbuster pool event ng Motolite 9-ball magsisimula na

-
Inaasahang magiging blockbuster pool event ang Motolite 9-Ball World Challenge na magsisimula sa Hunyo 6-11 sa Araneta Coliseum na magtatampok sa mga greatest players sa daigdig sa isang klasikong match-up na susukat sa galing ng mga ‘Philippine Best’ kontra sa ‘Rest of the World.’

Tatapak sa kauna-unahang pagkakataon sa Manila para kumam-panya sa powerhouse international squad ang nakaraang taong Admiral World Pool champion na si Mika Immonen na tinaguriang ‘Fantastic Finn’ na nagsimula ng kanyang taon sa pamamagitan ng pagwawagi sa Derby City Classic at ang sensational young American Corey Duel na nanalo ng anim na major tournament noong nakaraang taon na kinabibilangan ng US Open, ESPN Sudden Death 7-Ball tournament, All Japan Championship Open, Billiards Congress of America Open 9-Ball Championship, Greater Columbus Open at ng Reno Open.

Sinabi ni Duel na tumalo kay Efren ‘Bata’ Reyes sa kanyang unang sabak sa International Billiards Congress tour sa Nanki Japan, kamakailan na tinanggihan niya ang ilang major tournaments sa Amerika para lamang magkaroon ng pagkakataon na makalaro sa Manila at makita ang bansa at ang mga panatiko ng pool.

Excited naman si Immonen sa kanyang nakatakdang paglalaro sa ha-rap ng Filipino fans.

Kasama ng dalawa sa koponan sina five-time World Champion Earl ‘The Pearl’ Strickland at ang Japanese ace Kunihiro Takahashi para sa ‘Rest of the World’ squad na mapapasabak sa head-to-head match kontra ‘Philippines Best’ na babanderahan ng tinaguriang ‘The Magician’ na si Reyes kasama sina Francisco ‘Django’ Bustamante, nakaraang taong All Japan Open champion Antonio ‘Nikoy’ Lining at ang sumisikat na si Dennis Orcullo.

ADMIRAL WORLD POOL

ALL JAPAN CHAMPIONSHIP OPEN

ALL JAPAN OPEN

AMERICAN COREY DUEL

ARANETA COLISEUM

BALL CHAMPIONSHIP

BALL WORLD CHALLENGE

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA OPEN

DENNIS ORCULLO

REST OF THE WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with