Pinoy fencer pang-8th sa world
May 30, 2002 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasungkit ang Filipino ng world ranking sa larangan ng fencing.
Itoy makaraan ang National champion na si Avelino Victorino ay tumapos na kabilang ng mga top epee fencers sa daigdig sa ikawalong puwesto sa overall sa katatapos pa lamang na 2002 Taiwan Mens Epee Grand Prix na ginanap sa Taipei.
Niyanig ni Victorino ang top seeded American Eric Hanse, 15-14 bago hiniya ang Singaporean Nicholas Fang, 15-10 upang mag-qualify sa fourth round na magtatampok sa top 16 fencers.
Ipinagpatuloy ni Victorino ang kanyang pananalasa para sa kampanyang makapag-uwi ng karangalan sa bansa nang kanyang talunin si Japanese Oku Yu, 15-12 upang umusad sa final eight kung saan siya ay nabigo sa iskor na 5-15 sa mga kamay ng German seven-footer Daniel Strigel na nagsubi naman ng silver sa likod ng kababayang si Christopher Kneip.
Ang 21-anyos na si Victorino ay produkto ng Philippine Amateur Fencing Associations outreach program, na na-recruit mula sa Pasig public school. Siya ay unang nag-trained at hinasa na gamit ang hand-me-down fencing equipment at umaasa lamang sa P25 arawang allowance mula sa PAFA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended